SpokenPoetry #73

8 0 0
                                    

✍ -073-

「basta bahala」

nakakaubos din pala,
ninananis ko pa ngang itala,
na dapat akma ang bawat likha,
sa bawat patak ng mga luha

nakangiting nakatingala,
nakatulula,
pinagmamasdan ang mga tala,
iniisip na kumuha ng pala,
upang ibaon ang mga alaala

kay sakit isipin na,
may nauna na pala?
at bakit siya pa?
haha, tinamaan na nga talaga

napakalala, tinamaan na nga ng bala,
nagresultang pag-asa'y nawawala,
at gusto ko mang ipasawalang-bahala,
paano kung hind kayang magpakilala?
eh basta, bahala na si bathala

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon