SpokenPoetry #4

345 28 2
                                    

✍ -004-

     「Nakaraang buburahin」

Mga alaala ng nakaraan,
Na dapat nating makalimutan.
Kung ito'y iyong itatago at pilit na tatandaan,
Parang sarili mo na lamang ang iyong pinaparusahan.

Mga luma nating nararamdaman,
Ang matatagal na nating pinangangalandakan,
At ang mga pilit na bumabagabag,
Ngayo'y kailangan nating ibaon ng malalim sa lupa.

Masaya man o malungkot,
Masarap man o masakit,
Mahal mo man o hindi,
Ang nakaraan ay mananatiling alaala.

Kaysa sa mag-reminiscing,
Bakit hindi nalang natin harapin?
Harapin at maging tapat sa hinaharap,
At burahin ang ugnayan mula sa nakaraan.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon