SpokenPoetry #35

38 5 0
                                    

✍ -035-

「Araw at Buwan」

Lumitaw ng may ngiti ang hari
Lahat ay nagbubunyi
Lahat ay masayang nakangiti
Subalit mayroong mga sigaw na nakabibingi
Balat nila'y nangangati

Hapdi at sakit ang pasakit
Maraming nabuong tanong na bakit
Sa paparating ay silang lahat, naaakit

Ang kalangita'y dumidilim na
At hindi ko namalayang nariyan kana
Iilang tao ay bumawi ng puna
Ngunit itong dalawa'y napana
Subalit ito'y permanenteng pinaglaruan ng tadhana.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon