SpokenPoetry #30

57 7 0
                                    

✍ -030-

     「Biyaya」

Ito ang buhay
Mahirap pero masaya
Kulang sa paningin pero kuntento sa damdamin
Maligayang namumuhay kaya't itinuturing na biyaya.

Pero paano kung ang buhay ay walang biyaya?
Saya?
Kuntento?
Kakayanin mo bang mamuhay?

Alam nating hindi lahat ng simula ay masaya,
marahil ang iba sa simula ay purong pasakit ang natamasa
Kahit gano'n pa man
Sa huli ay mayroon laging ginhawa
Dahil hindi lahat ng buhay ay pare-pareho nang istoryang natatamasa.

Sa panahong ika'y nagka-isip na
Ang utak mo ay magiging lugar ng pagtatalo
Kung saan ikaw mismo ang mananalo
Sa bawat dalawang desisyon na iyong matatamo
Dahil ang isip na ito'y mayroong gabay mula sa naging ugat mo.

Ikaw ma'y nagkaroon ng tampuhan at alitan sa iyong magulang,
Sila man ay naiisip mong minsa'y nagkulang,
Ikaw mismo ay hindi dapat makalimot sa nagbigay buhay sa iyo
Bagkus ay mahalin ng higit pa sa dapat nilang matamo.

Sa paglipas ng maraming taon,
Hindi natin alintana ang pabago-bagong panahon,
Kaya't habang may oras pa ay mayroong pagkakataon,
Na huwag mahiya at ipakita ang tunay nating natutunang leksyon.

Ito ang buhay, totoo at tunay
Kailangan nating pahalagahan ang bawat bagay
Dahil hindi natin alam kung ano'ng puwedeng mangyari sa buhay
Kaya't dapat tayo'y may kaagapay
Dahil kapag ika'y naghirap at nagtiwala,
hindi malabong magkaroon ng tagumpay

Ang saya, kuntento at biyaya ay iilan lamang sa positibong maaaring makamtan
Pero ang mabuhay ng walang magulang ay napakahirap
Iyong saya, kuntento at biyaya na gusto mong makuha ay mas madadagdagan
Kung iyong gumagabay at pumapatnubay ay nariyan

Magulang ang naging sandigan sa bawat problemang kinakaharap
Sila ang gumagabay at pumapatnubay sa ating hinaharap
At dalawang taong nagbigay buhay sa iyo
Ito ang buhay, kung saan ikaw mismo ang magtatagumpay sa ilalim ng kanilang pag-aagapay at gabay.

Sila ang ating ama't inang walang inisip kundi ang iyong kapakanan para sa iyong kinabukasan.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon