SpokenPoetry #47

205 6 0
                                    

✍ -047-

「Katapatan」

Bilang isang pinunong may dedikasyon
Dapat marunong tayong makinig sa leksyon
Leksyon na dapat nating gawing inspirasyon
Inspirasyon sa bawat pagsubok na ating hinahamon

Pinuno, lider o presidenteng may tuwirang hangarin
Sabay-sabay nating aangatin
Sa bawat daluyong na ating kakaharapin
Basta't sama-sama at iisa, walang bagay na hindi natin kayang gawin.

Katapatan, isang salita na maraming nakakaalala
Katapatan, paano nga ba natin ito mapatutunayan?
Marahil sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan
Wala man tayo sa katungkulan
Tayo'y simpleng kabataan na pagmumulan ng isang salita na tinatawag na katapatan

Ka - ta - pa - tan

Kahalagang dapat natin matutunan
Tatangapin ang opinyon ng lahat
Papahalagahan ang prinsipyo ng bawat isa
Tandaan ang salitang katapatan!

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon