SpokenPoetry #6

279 24 3
                                    

✍ -006-

     「Huwag ako, iba nalang」

Naloko mo ako noon, oo,
Pero ngayon, nagbago na ako.
Hindi na muling magiging uto-uto,
Kaya kung susubukan mo, huwag ako, iba nalang.

Isa na akong palaban,
Palaban na may pinagdaanan,
Mula sa sistema mong makasaysayan,
Sa pagsira ng aking mga pangarap.

Mahal kita pero niloko mo ako,
Mahal kita pero inuto mo ako,
Mahal kita pero sinayang mo ako,
Kaya ngayo'y nagbago na ako, mahal mo na ulit ako?

Tama na ang isa na ako mismo ang saksi,
Tama na sa muli mong pag-api,
Dahil ang katulad mo ay hindi bagay na bigyan ng pansin,
Kaya kung ako sa'yo, 'wag ako.

Ang isang pagkakataon ay sapat na,
Sapat na upang maipakitang ikaw ay karapat-dapat,
O di nama'y puro salitang walang gawa,
Na magtatapos rin naman sa wala.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon