SpokenPoetry #66

12 0 0
                                    

✍ -066-

     「Pagitan」

Matagal at matibay na pundasyon
Hanggang sa maiahon
Masaya't malapit nang bagong taon
Ngunit biglaan na lamang naglaon

Isang malaking hati ang bumungad
Magkalayong 'di na nagkibuan
Wala na nga lang ihahangad
Sa nasimulang bakuran

Pagitan ang saksi ng lahat
Kung paano 'di naging sapat
Kaya't kung bakuran ay harapan
Tila walang pinagsamahan

Bumuo at nagtayo
Ikaw ay akin at ako'y sayo
Naniwala at ngayo'y lumalayo
Pagitan, ikaw ay malayang humayo

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon