SpokenPoetry #49

45 7 0
                                    

✍ -049-

「Sulat ng Pag-ibig」

Oras na aking binibigay
Rosas na sayo'y iaalay
Guhit na sayo'y nakabatay
Ikaw lang habang nabubuhay

Ikaw ang paksa ng tula
Damhin ang ilalathala
Gabay sa'kin ng bathala
Ikaw ang tangi kong tala

Isisigaw ko sa mundong mahal kita
Na ikaw ang nag-iisang sinisinta
Letrang aking isusulat sa talata
Pagmamahal ko sayo'y ibabalita

Nakamarka iyong pangalan
Sa ngalan ng pagmamahalan
Pinako ng walang hangganan
Pag-ibig na magpakailanman

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon