SpokenPoetry #41

39 6 1
                                    

✍ -041-

「Duyog」

Ang pagtatapo ng araw at buwan,
duyog ang pamamagitan
Araw na nagbibigay liwanag,
buwan nang sa dilim ay makaaninag

Sa malungkot na gabi, makikita mo ang buwan
Maraming hanap na sagot sa kanyang mga katanungan
Naroon sa kabilang bakod kanyang sinisinta,
Hirap ang sitwasyon ng dalawa sa tuwina

Kung sa umaga'y makikita mo sa langit, araw na sumisilip
Hindi mo kayang tignan pagka't nasasaktan
Pag-ibig niya'y hihilingin sa kalawakan,
matagal mang panahon sa paghihintay ang magdaan

Paano sila pagtatagpuin?
Sa tadhanang madalas ang dalawa'y paglayuin
Pagka't batid nilang magkaiba ang kanilang hangarin
Para pag-iisa ng damdamin pa'y pangarapin

Hindi mo ba pansin?
Pagluha ng araw sa ulan,
Lamig ng paligid kapag may buwan
Hindi matunton ang daan pabalik sa isa't isa,
Annong patutunguhan ng nararamdaman nilang dalawa?

Duyog ang tanging pag-asa,
para muling magkasama
Marami mang sagabal,
sigaw naman ng puso'y kapag mahal, magpapakahangal.

-|-|-|-

By jiyardls

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon