SpokenPoetry #31

47 5 0
                                    

✍ -031-

     「---」

Binibining aking minimithi
Ako'y labis na napapangiti
Sa iyong taglay na kagandahan
Na magtatapos sa walang hanggan.

Tatlong araw na ang nakaraan
Ika'y hindi nakakalimutan
Sa ilang segundong dumadaan
Ang puso mo'y mahirap makamtan

Maaari bang akin ka nalang?
Dahil ang puso ko'y nakasalang
Sa binibining iginagalang
Ng mga madlang hindi na mabilang

Ngunit ako'y isang umaalay
Sa pusong iba ang tinataglay
Na ikaw ang nagbibigay buhay
Sa mundong maganda at makulay

Sa tulang ito ipapabatid
Kung gaano kasayang mapatid
At mahulog sa iyong mga tingin
Na bumihag sa aking damdamin

-|-|-|-

Nagmula sa istoryang 10 araw ng Panliligaw na patuloy na ginagawa.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon