SpokenPoetry #72

8 0 0
                                    

✍ -072-

「oyik」

halatang ubos na ang mga sal'ta,
subalit bakit nanatiling tahimik ang mga mata?

simbolo na ata ito ng pagaklas,
isip laban sa pusong hindi na ata makakatakas?

naging preso sa maling tinatahak,
teka, mali nga ba?

mali bang dumantay at maghintay?
o sige, sabihin na nating umasa pero baka sumablay?

tila tuluyang tinakasan na nga ng tino,
handa raw sa kakaharapin basta sa alam mo na kung sino?

kahit magulat ang sambayanan sa kalabog ng puso,
bakit? sino ba kayo para makipag-usyoso?

kahit ilang beses na ikaw lang ni kiyo ang pakinggan,
hindi ako magsasawang ika'y tignan

dumating man sa puntong urong sulong na,
hindi na ako maghahanap pa ng eba,
kahit puyat man o tulog na tulo laway,
tandaan mo na basta ikaw, g lang!

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon