SpokenPoetry #43

27 4 0
                                    

✍ -043-

     「Paalam na nga ba?」

Isang tanong na binubuo ng apat na mga salita
Parang tanikalang tumatapos sa aking talata
Kahit na aking itanong sa sitwasyong may banta
Bubulong at itatanong sa hangin ng may luha sa mata.

Mata na nananatiling nakatitig lamang sa iyo
Kahit na mahirap, pinipilit
At parang ang puso ko'y iniipit sa sobrang sakit
Sa bawat tingin ko'y mayroong iba na sayo ay nagdudulot ng ngiti

Ako'y lumapit at ikaw ay lumayo
Sa sandaling ikaw ay naglalaho
Ang aking mga salita'y tanging hangin lamang ang nakatanto
At ako na naiwang nakatayo, pinagmamasdan ang mga hakbang mo palayo

Sabik na sabik na sabik na akong muling maging sayo
Subalit pilit tayong pinaglalayo ng panahon
Na kung saan ay aking kakayanin kahit libo-libo pang mga taon
Basta ako ay mananatiling nakatayo at maghihintay ng tamang pagkakataon
Na ako'y maging sayo, natatangi at nag-iisang binibini ko

Kaya hindi ko na kailangan ng pagtigil mo
Tanging nais ko lamang ay magbalik ang dating tayo
Handa akong harapin ang bawat oras at minuto
Basta't bumalik ka lamang dito sa tabi ko.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon