✍ -54-
「Praning」
Kung ang bituin ay 'di na nagniningning
May ginhawa pa ba sa ating paningin?
O sadyang ako lang talaga ang praning?
Sa sandaling tamis, tinangay agad ng hanginAng pagsasama natin na nawaglit
Aasa pa ba akong babalik kahit masakit?
Marahil matangay nga ito.. mahagupit
Subalit sinta ko, pagmamahal ko sayo'y aking ipipilitIrog ko, malayo ka man sa akin
Wala na akong ibang nanaisin
Kundi ay bumalik ka sa aking tabi
at sabay natin lalakbayin
Ang istoryang muli nating bubuuin.
BINABASA MO ANG
Poetries [ COLLECTION ]
Poetry❝A collection of poetries, and all the things that I can't express will be written here as a poetry.❞ markyzx