SpokenPoetry #48

94 5 0
                                    

✍ -048-

「Paghihintay」

lang taon pa bang kailangang hintayin?
Ilang unos pa ba ang susuungin?
Ilang oras pa ba ang mawawala't aanurin?
Ilang pagkakataon pa ba ang aking sasayangin?

Ilang araw, buwan at taon na rin akong naghihintay
Ngunit sa akin ay walang nagbigay dantay
Ako'y nagbabakasakali na ikaw aking bantay
Na puputol sa pagmamahal na iyong pinapatay.

Sarado ang tangai't pikit ang mga mata
Isinulat ko ang mga sakripisyo sa iisang talata
Subalit sa una palang ay wala nang tinta
Dahil noon palang ay wala na akong balita

Nakarinig ng bulong ang sarado kong tainga
Sinasabi na may isang taong nagpapakatanga
Isang ginoong umaasa at humahanga
Sa isang binibining ubod ng ganda't hiwaga

Nakapaskil sa isip ang iyong litrato
Ginuhit ng buong giliw at hindi huminto
Sa bawat anggulo ay aking napagtanto
Na nararapat lang na ikaw ay ibigin at ako'y matuto.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon