✍ -55-
「Ikaw pa rin talaga」
Muli nating balikan ang masaya nating ala-ala
Iyong tayo lang ang nakakaalalaHindi ko malimutan kahit na sa sandali
Tila sumpang ayaw umalis sa aking tabiNariyan lamang, palagi ko pang nasasaksihan..
Nararanasan
Ang bawat lugar na ating pinagsamahanWalang bago dahil purong luma
Bagay na ikadadala ng aking mga luha
Lalo na ang ngiti mong isang mahika
Na kailanma'y nakatinta na sa aking diwaSubukan ko mang ibura
Ikaw at ikaw pa rin ang laging hanap ng mata
Ipikit ko man
Maamo mong mukha ang aking naaalala
Maghanap man ako ng iba...
Sa huli, ikaw pa rin talaga sinta.
BINABASA MO ANG
Poetries [ COLLECTION ]
Poetry❝A collection of poetries, and all the things that I can't express will be written here as a poetry.❞ markyzx