SpokenPoetry #75

8 1 0
                                    

✍ -075-

「Malayang porsyento」

To YOU,

Magandang umaga sa lahat! Especially to my crus— classmate. Classmate, hanggang kaklase na lang. At first, napakailang namin sa isa't isa, halos hindi magkibuan na para bang may nararamdaman o nililihim para sa isa't isa. Hindi kalaunan siya'y aking naging kaibigan, pero kaibigan nga ba talaga ang turing niya? Dahil kailangan pang ako muna ang magsalita bago siya bumuga ng hininga. Hindi ko alam pero nagiging crush ko na siya, sa panahon na kung saan ay mayroon siyang ibang sinisinta. Wala akong ibang magawa kundi ang umasa at gawin na lamang siyang inspirasyon sa araw-araw. Siya'y aking nakikita sa araw-araw, ngiting nagbibigay sigla ngunit ang malaman mong iba ang rason ng kaniyang mga ngiti ay nakakapanghina.

From classmate hanggang sa maging friend at crush, mula zero hanggang sa 50 percent na paghahangad. Pero malay 'ko ba na ang katiting na bagay ay biglang lumalaki, mas lumiliwanag, at mas lalong tumataas ang expectations. Ito ang panahon na kung saan mayroong selos na nararamdaman. Pero tanda 'ko pa ang araw na iyon, pero sa totoo lang hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng pagseselos. Masayang maging crush ka, pero mas masaya kung ako ang nagpapasaya sa iyo.

Hindi na kita crush kasi gusto na kita. Gustong-gusto kita. 75 percent kung titingnan, mas lalong tumitindi ang mga bagay-bagay at tumitindi ang mga expectatios. Mas lalo kitang nagugustuhan sa ngiti mo, ugali mo at sa kung ano'ng mayroon ka ngayon. Mas lalo kang nagniningning sa mga paningin ko, parang mayroon nang pagkabog ng puso 'ko.

Sa oras na ito, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ito? 25 percent nalang. Kahit wala kang gawin, maaaring makumpleto ito sa hindi 'ko tiyak na oras. Ayokong mahulog sa isang patibong na maraming panusok. Ayokong magpabihag sa isang bitag na ako lang ang makakaintindi at makakaunawa. Nagdadalawang-isip ako, itutuloy o hindi? Pero ang mararamdam ko ay iisa lamang, magiging masaya ako sa kahit ano'ng desisyon na aking tatahakin basta't masaya ka sa aking mga mata.

-|-|-|-


Matagal na rin ito noong mga araw na hindi pa ako marunong magsulat.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon