SpokenPoetry #52

17 4 0
                                    

✍ -52-

「Pamilya」

Pamilya, isang salita pero maraming emosyon ang mararamdaman
Ano nga ba ang isang Pamilya?
Sila ba'y totoong nagmamahalan at hindi nagpa plastikan?
Sila ba'y mayroong tiwala sa iba at hindi nagta trayduran?

Ang pamilya ay binubuo ng mga tunay na taong nagmamahal
Sila'y umiiyak sa tuwing sila ay nalalagasan ng isa
Sila'y nalulungkot sa tuwing may problema ang isa
At laging nagtutulungan sa tuwing may problema ang pamilya

Ang pamilya ay nagmamalasakit sa isa't isa
At nagtutulungan sa tuwing may problema ang isa
Ang bawat kasapi ng pamilya ay may buong tiwala sa isa't isa
Handang hamakin ang lahat para lang maprotektahan ang kanyang pamilya

Pamilya, dito mo makikita ang mga tunay at mapagmahal na tao
Sila'y walang sasantuhin kapag may nanggulo sa kanilang pamilya
Punong puno ng pagmamahalan at handang magbuwis ng buhay
Pamilya, isang relasyon na hinding hindi masisira ng basta basta at handang protektahan ang bawat kasapi nito.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon