SpokenPoetry #20

74 11 0
                                    

✍ -020-

     「Ang Binibini ko」

Binibini? Nakikita kitang sumusulyap sa akin
Na para bang mayroon kang pagtingin,
Ako'y umiiwas nalang ng tingin
Dahil baka ika'y makulong sa aking paningin.

Binibini? Nabalitaan kong totoo ang aking hinala,
Mga matang kumikisap na parang tala
At ang araw na nag-aalala
Na ikaw ay aking maabala.

Natutuliro, nabuburyo, paano ba ito?
Sige, sisimulan ko nalang sa unang punto
Ikaw..
Alam mo ba na ika'y tumatakbo?
Habang ako'y unti-unti nang nahuhulog sa'yo.

Simula segundo, minuto at oras na kasama kita
Hindi na nakapagtataka
Kung sa isang araw ay gusto na kita,
At sa mga susunod na panahon, tiyak na ako'y umiibig na.

Heto na, heto na, heto na!
Bumibilis! bumilibis! bumibilis na!
Puso ko'y nahihibang na!
Ako nga'y totoong nahulog na.

Nilalamon na ng isipan ko..
Ang natatanging pangalan mo
Mula dito sa puso ko..
Ikaw na ang nag-iisang sinisigaw nito.

Binibini. Binibini. Binibini.
Tatlong salitang pinaulit-ulit
At uulitin ulit ng paulit-ulit
Hanggang sa mapilit ka na sana ako nalang ulit?

Kasi sa pangalawang puntong ito,
Ika'y biglaang lumalayo?
Bumabaho.. na ba ako?
Kaya't konting lapit ko'y sobrang napakalayo mo?

Wala na bang talab ang mga ngiti ko para sa iyo?
Nananatili akong tumatakbo,
Nalulunod
Naghahabol
Sa pagmamahal at paghahanap ng pagkakataon
Na baka pwede pa, pwede bang bumalik tayo sa unang punto?

Umuusad, umuusad ng may pagbabago
Patungo sa ikatlong punto ng buhay ko
Ikaw, ang siyang nag-iisang binibini ko
Ang tumapos sa masalimuot na puntong ito

Binago ng binago ng binago mo
Bukod tanging ikaw lamang nakapagbabago
At ang magbabago sa buong buhay ko
Ikaw lamang, oh Ang Binibini ko.

-|-|-|-

Dedicated to my moon.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon