SpokenPoetry #70

13 0 0
                                    

✍ -070-

「Rason」

Ilang araw, buwan at taon na ang lumipas

Subalit tila nakalimot na sa antas

Mga bagay na dapat pinanghahawakan

Iinaalagaan at hindi basta-bastang binibitawan


Dati na kay seryosong sumisinta

Inaalayan pa nga ng mga matatamis na salita

Ngunit sa isang waglit nagbago lahat

Isa-isang naglaho na parang bula


Ilang tanong na rin ang tumatak

Hanggang kailan ako iiyak?

Puso kaya'y mananatiling biyak?

At kung sa dulo ba'y mayroong tiyak?


Nakakasawa rin na palaging nakahayag

Lantarang paglalayag,

Pagkamit sa mga nais na maramdaman

Na kailanman hindi naging karapatan


Aahon sa bawat paghamon

Abutin man ng matagal na panahon

Hahanap muli ng bagong rason

Upang sa gayon,

Pagbabago ang tanging itutuon,

At ang nakasanayan ay aking ibabaon.


- | - | - | - | -

Ayoko na.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon