SpokenPoetry #53

24 5 0
                                    

✍ -53-

「Kalawakan」

Kalawakan,
Alam mo bang lagi kitang tinatanaw
Waksi ang aking mata sa iyong kagandahan
Na sa sansinukob ay nangingibabaw

Binubuo ng mga kumikinang na tala
Punong puno ng hiwaga
Dahil ano mang abot ng aking tingin
Ngiti at tanging ikaw nalang ang aking hihilingin

Sa bawat pagtingin ko'y lumalala
Lumalalim ang dahilan kung bakit kita naalala
Kahit na anong mangyari ay aking itatala,
Titingala at maghihintay ng himala

Kalipunan ng mga bagay sa sanlibutan
Na tanging sa siyensya lamang maiintindihan
Subalit may iisang bagay sa daigdig
Na tanging may puso lang ang makakaalam

Pag-ibig,
'Di tulad ng itim na butas
O walang hanggang pagtuklas
Ang depinisyon nito'y hindi kumukupas.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon