SpokenPoetry #10

204 20 0
                                    

✍️ -010-

「Harang」

May mga bagay na iisipin natin,
Na ang lahat ng iyon ay atin.
Paano nalang kung haharangin,
Ng biglaan, ng hindi natin nararamdaman.

Paano na lamang kung sa isang iglap mo'y wala na,
Nahaharangan na siya ng isang masakit na bagay,
Lahat nawawala na,
Oras at atensyon, nababalutan na ng ngisi at lungkot.

Dahil sa harang na ito,
Lahat ay nagbabago,
Pati mundo ko'y gumuguho,
At ang puso ko'y parang tinutusok.

Marahil kailangan na nating banggain,
Nang muli tayong mag-alab sa init.
Pero paano pa ba natin ito magagawa,
Kung masaya kana agad sa likod ng harang na ito.

Kahit na anong pilit pa ang aking gawin,
Kahit ilang hiling pa ang aking hilingin,
Mananatiling walang tagos,
Mula diyan hanggang dito.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon