✍ -039-
「Ikaw, kung saan ka sasaya」
Ikaw ang siyang ilaw ng buwan
Pinapanood kung paano ako bigyan ng kaliwanagan
Nakatungtong sa bubong ng walang kasiguraduhan
Hindi alam kung saan patungo ang hangganan.Sa pagitan ng umaga't gabi
Mayroong napakaraming pangyayari
Ikaw at ako ay masayang nagpapalitan ng mga ngiti
At ako ngayo'y buong ikaw ang minimithi.Ikaw kung saan ka masaya
Kahit hindi ako basta ikaw ay malaya
Malaya na makakapili kung saan ka sasaya
Kahit hindi ako, basta't ikaw ay masayaAko, pinipilit kong lumayo
Mas pinipili ko ang magpakatanga sayo
Kahit alam kong may kayo
Sa mundong malabong maging tayoKaya't habang ako'y nakaupo at naghihintay
Naghihintay sa bagay na walang kapantay
Iyon ay maging tayo ng walang lumbay
Na punong-puno ng kasiyahan natin sa buhayPero habang ika'y kumukuha ng ilaw sa iba
Na may kasamang ningning sa mga mata
Ako'y nandito lang, nakaupo't pikit matang umaasa
Ikaw pa rin, kung saan ka sasaya.
BINABASA MO ANG
Poetries [ COLLECTION ]
Poesía❝A collection of poetries, and all the things that I can't express will be written here as a poetry.❞ markyzx