SpokenPoetry #77

11 0 2
                                    

✍ -077-

「Batang Nangarap」

Isang ginoo na labing walong taong gulang,
Nangangarap at mananatiling mangangarap,
Para sa kinabukasang pinakainaasam.

Mula kindergarten na puro laro ang inaatupag,
Unang baitang hanggang sa naging matatag,
Nagtapos hanggang sa Ikaanim na baitang.

Natutong magsulat at magbasa,
Maglaro at magtaka,
Mangarap at maghangad,
Nagkaalam at patuloy na may malalaman.

Ikapitong baitang hanggang sa magbaitang sampu,
Natutong maging mag-isa,
at nalaman ang mga abilidad,
Patuloy na pagsugod sa mga ninanais sa buhay.

Marami mang pagkakamali sa buhay,
Ngunit gagawing tama ang lahat,
At bagkus gawing aral sa hinaharap,
Dahil ang daan tungo sa pangarap,
ay hindi sa perpektong daanan.

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon