SpokenPoetry #18

72 15 0
                                    

✍ -018-

     「Piraso」

Naglalakad ako na hindi alam ang pupuntahan
Nakasilip naman ang dilaw na buwan
Hindi ko mawari ang nararamdaman
Nakatingin lamang sa malayo, sa kawalan.

Di ko akalain na tumalikod ako pabalik
Ito na pala ang simula ng pasakit
Kumakabog ang pusong manhid
Nagising sa iyak ng kaluluwang matagal nang may sakit

Hindi ako bato pero pag pinukol mo madudurog ako
Hindi ako lupa na kahit anong oras aapak-apakan mo
Ikay lumayo
Pakiusap, ikay magtago
Wag mong pabalikin gamit ang malalalim na mga mata
Na wala namang may nararamdaman talaga

Kasi mahal, hindi ako tanga
Na ang puso mo ay bihag pa rin niya.
Sinasabi man ng bibig mo na wala na
Ngunit yung mga mata mo ay humihingi ng isa pa..
Nang pag-asa
Na sana ako ay siya
Na kaakbay mo
Kayakap mo
Puso mong nangungulila sa pag iwan niya sayo

Pero mahal, ang pirasong pilit kong binubuo
Di ko akalain na bubuwagin mo
Paano ako makakaalis sa sitwasyong ito?
Kung pati puso ko'y niloloko na rin ako

Makakalaya ka kaya?
Sa nakaraang kay tagal na di mawawala?
Hindi ko man aminin pero susugal ako
Dahil alam kong mabuti kang tao.

Mahal. Akoy nahuhulog
Huwag mo hayaang ang puso'y tuluyang madurog.

-|-|-|-

-Amor

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon