SpokenPoetry #44

29 5 0
                                    

✍ -044-

     「Pikit mata」

Pikit ang aking mga mata
Subalit bukas sa lahat ng nais kong makita
Naisin ko mang isara
Bakas pa rin sa mata ang pangungulila

Saksi ang aking dalawang mata
Sa biglaang pagbabago ng ating istorya
Hindi ko namamalayang nawawala na pala
Ngunit ang mata ko'y patuloy na nakatuon sayo lamang, wala nang iba.

Kahit sandamakmak na sakit ang abutin
Kahit nag-uumapaw na dugo'y susuungin
Kahit na ilang bituin pa ang sungkitin
At kahit na ilan pang ngiti sa iba ang aking masasaksi
Pikit mata lamang ako ngingiti, titingin.

Pikit mata akong aasa sa bawat pag-asa na ibibigay ni Bathala

Pikit mata akong susugod sa laban ng walang anumang sandata

Pikit mata akong lalaban kahit walang kasiguraduhan

Pikit mata akong magmamahal sayo ng walang hangganan at kapaguran

Pikit mata akong kakapit sa mga salitang iyong nakalimutan

Pikit mata akong maghihintay sayo kahit na ang mga buhok ko'y maging uban

Pikit mata akong magiging masaya sa anino mong bakit dalawa?

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon