SpokenPoetry #67

15 0 0
                                    

✍ -067-

     「Ligaya」

Ligayang dala lagi ang saya
Namumukod tangi kang talaga
Sa sulyap ng aking mga mata
Dumadagundong ang aking diwa

Ligaya, maaari ba kitang isayaw?
Huwag kang mag-alala
Isasayaw kita hanggang sa dulo
Sa dulo ng walang hanggan

Marahil nakakatawa
Ako ulit na tataya
Sa ngalan ng kasiyahan
Ligaya, maaari ba?

Handa akong sumabay sa agos
Iindak hanggang sa matapos
Oras ko man ay maubos
Susulitin ko ito ng lubos

Ligaya, maaari na ba?
Ilalaan ang paghihintay sayo
Kahit malayong maging tayo
Malabong makita mo 'mo
Ligaya, maaari ba?

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon