SpokenPoetry #46

29 6 0
                                    

✍ -046-

「LGBTQ+」

LGBTQ+ ang kapisanang may pinaglalaban,
Katarungan, kalayaan at karapatan
Ito ang ilan sa mga hindi makamit o makamtan
Sila ang tinuturing na salot sa lipunan

Hindi sang-ayon at taliwas sa pinapalabas
Tunguhin at tungkuling pinapamalas
Hindi sapat sa matang pataliwas
Kung manghusga'y akala mo'y mayroong sapat na pinag-aralan at dinanas

Isip na may maruming lundayog
Tingin na mapang-aping nambubulabog
At mga salitang pumupukol at nakakapangdurog
Tila ang sistema'y nasakop ng kasarinlan ng kahapong saksi ang duyog

Ang kagandahang loob na nararapat pagmasdan
Hindi dahil kung paano natin sila huhusgahan
Bagkus kung paano natin makikita ang tunay na kahulugan
Kahulugang isinapuso nila na dapat nating irespeto at pahalagahan

Isa, dalawa, tatlo at ilan pang milyong tao
Ang mga taong mas piniling maging ekstraordinaryo
Itinago ang kanilang tunay na pagkatao
Na nagbibigay saya't kulay sa mundong makabago

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon