SpokenPoetry #71

6 0 0
                                    

✍ -071-

「Kagabi」

Katakatakang nagbago ang lahat
Sa 'di inaasahang kaganapan
Bigla ba namang naging tuwid at tapat
Dahil! dahil tiklop nang siya'y kantahan

Kantahan na sinabayan pa ng sayaw,
Hindi maikakailang siya'y nakatitig sa ikaw,
Sa bawat musikang may kasamang galaw,
Kung yelo lang si ikaw, sigurading tunaw na tunaw

Habang lumalalim ang gabi,
Lumalapit na si ikaw sa kaniyang tabi,
Kay rami na rin nilang pinagsasabi,
Na parang gusto na ring halikan ang mga labi

Nahihibang ba o nalilibang lang?
Tinamaan na nga ba talaga o sadyang laro lang?
Mga kaganapang sana hindi nalang nagwakas
Subalit nagdadalawang isip kung sana'y tumakas
Ano'ng mangyayari sa pusong iniwang may bakas?

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon