MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 38:
"BAKIT AT DAHIL"
Sa susunod na araw ay maaga akong pumunta sa café kahit mukhang patay ang kalahati ng aking katawan dahil sa pagod. Nakatulog lang kasi ako ng dalawang oras!
E kasi naman, itong si Leo Trevino, ayaw umalis sa isipan ko. Ayan tuloy, hindi ako makatulog. B*w*s*t ka Leo, lagot ka talaga sa akin.
Hinang-hina ang sistema ko ngayon at mukha akong zombie habang bumiyahe patungo sa café. Nakakahiyang pumunta doon sa shop tapos ang haggard at puyat kong tingnan. Maglagay na lang ako ng polbos at lipstick sa café dahil ayaw kong ma-late.
"MJ, okay ka lang? Mukhang pagod ka ah." Concern na sabi ni Fae ko habang naglilinis ako sa sahig.
I rubbed my eyes, nodded and yawned. "Kulang ako ng tulog kagabi pero okay lang ako." Sagot ko.
"E bakit ka ba nagtatrabaho ngayon? Pagod ka pala." Sabi niya.
"E ikaw lang mag-isa dito e. Nag-leave kaya si Gwen." Paliwanag ko. "Tsaka, ayaw kitang iwan dito na mag-isang i-handle ang café. Mas nakakapagod kaya iyon." Dagdag ko pa.
Kami lang kasi ni Fae ang nagtrabaho sa café ngayon. Gusto ko sanang hindi na pumunta dito pero kailangan dahil ayaw kong mag-isang magtrabaho dito si Fae. Ang hirap kaya maging manager, cashier, waitress, janitress, all at the same time. Tapos ang iba naman ay mamaya pa sa hapon pupunta dito since afternoon shift sila. Besides, being a puyater is something not new to me.
"Kayanin ko lang naman e. Hindi ako gaya mo na may second job. Nakakapagod kaya yung sa'yo." Sabi naman ni Fae.
Kahit kakayanin niya ay alam kong kailangan niya ng tulong ko. I know na napapagod din siya. If there's something I learn about having a job, it is that sometimes, you can't do things alone no matter how good you are. Sometimes, you need a helping hand to get the job done easier.
"Okay lang iyon. Tsaka, nandito na ako. 'Wag mo na akong pauwiin dahil nasa trabaho na'ko. Tsaka, hayaan mo naman akong tulungan ka dito kahit half day lang." Sabi ko at pinagpatuloy ang paglilinis.
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong niya, halatang nanigurado at nag-alala sa akin.
I smiled and nodded. "Syempre naman. Tsaka, kaya ko'to." Pagmamalaking sabi ko.
She just smiled and we both worked together.
Nakakapagod talaga ngayong araw kahit half day lang kami dahil marami ang mga costumers. Buti na lang mabait ang pakitungo nila sa amin kaya hindi kami na-pressure or nailang man lang. It was a good yet tiring day.
While I was in the middle of work, narinig kong nag-vibrate ang cellphone ko, senyales na may tumawag sa akin.
Calling
"Leo Trevino"Bilis kong binigay ang order sa mga costumers at kinuha ang bayad na hindi ko man lang binilang para lang sagutin ang tawag na iyon. Ewan ko lang bakit pero na-excited ako bigla nang tumawag siya sa akin. Tiningnan naman ako ni Fae dahil alam niya sino ang tumawag sa akin. Ngumiti lang siya at sinabing sagutin ang tawag. Sinagot ko ang tawag na iyon at pumunta sa counter para makinig sa kung anong sasabihin ni Leo.
"Oh?" Lamig na tugon ko kahit deep inside ay mabilis tumibok ang puso ko at naengganyong makinig sa boses niya.
[Hi. Maaga kang tatapos diyan. Sabi ni Gwen babalik siya diyan dahil na-cancel iyon kung anong occasion nila.] Paliwanag ni Leo sa akin. Medyo iba ang tono ng boses niya ngayon ah.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...