MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 41:
"SUNSET"-FLASHBACK-
Back when I was in high school, I am not just known dahil sa aking singing talent. Kilala din ako bilang isa sa mga magagaling na actress sa aming school.
It was discovered back when I was in ninth grade.
"MJ, ikaw kaya ang mag-play bilang Sisa sa Noli Me Tangere role-play." Sabi ng isa sa mga schoolmates ko sa akin, specifically, ang mayor namin sa classrom na si DJ.
Medyo nagulat ako dahil hindi naman ako bagay sa role na iyon. Payag ako maging extra pero hindi ang umakto bilang isang baliw sa stage! Nakakasira talaga sa dignidad!
"E bakit ako? Yung kaklase nating isa ay mas magaling doon." Sabi ko naman sa kaklase ko, sinubukang umiwas na ako'y mag-act bilang isang baliw sa entablado. "Siya na lang ang kunin mo. Hindi ako marunong umakting eh."
"Mas bagay ka kesa sa kaniya sa totoo lang e." Sagot niya. "Sige na." Pagmamakaawang sabi ng kaklase ko sa akin. "Wala nang iba e. Tsaka, magaling ka naman mag-perform sa stage."
"Sa singing lang iyon, hindi sa theatrics. Ano ka ba?"
"Sige na, MJ. Para sa grado naman 'to e." Pagmamakaawa niya ulit.
"Please."
Hayst, yung mga tao sa paligid ko talaga. Talagang mapilit. Nakakasira ng dignidad ng ganito ah. Huhu.
Bumuntong-hininga lang ako at tumango na lang. "O sige na. Payag na'ko. Happy na?" Sabi ko. Then, his face showed up a smile in front of me.
Bigla na lang siya napapalakpak dahil sa kasiyahan dama niya. "Yehey! The best ka talaga MJ." Pagdidiwang na sabi niya.
Mapilit talaga ang kumag na'to, tsk. Ang sarap saksa akin.
I faked a smile and said. "Thank you din dahil pinilit mo'ko." I sarcastically said. "B*w*s*t ka." Bulong ko.
"Ano iyon?"
"Ah haha wala. Gwapo mo mayor, parang wankei." Ngiting sabi ko naman at umalis. Nang tumalikod ako ay naiinis ako, kinakabahan, nagagalit at iiyak dahil kanina.
Wahhhhh!!! Paano na'to!!!
Then sa Filipino time namin, which is after recess ay maagang pumunta ang subject teacher namin sa aming room.
"Magandang umaga sa lahat." Sabi ni ma'am Dea.
"Magandang umaga po, Ma'am Dea." Bati namin sa kaniya.
"Magsi-upo na kayong lahat at maghanda na para sa role playing na magaganap ngayong Marso." Sabi ni Ma'am Dea at umupo kaming lahat gaya ng sinabi niya.
"Alam niyo na tungkol sa role-playing ng Noli Me Tangere na magaganap ngayong Marso. Inaasahan ko na yung mayor niyo sa classroom na'to ay nag-assign na kung sino ang gaganap bilang mga tauhan sa nobela." Sabi ni Ma'am. Tumango naman ang mayor namin sa classroom na si DJ.
"DJ, may mga roles na ba lahat ng mga kaklase mo?" Tanong ni Ma'am Dea kay DJ.
"Sa ngayon ma'am ay natapos na po ako sa pag-aassign sa mga mahahalagang tauhan sa nobela. May iba ang nag-volunteer at may iba naman ay ako ang pumili." Maikling paliwanag ni DJ.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...