MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 40:
"THE DEAL"Sa buong biyahe patungo sa café, nag-iisip ako kung saan ko ayain si Leo sa isang date. After a few minutes of thinking, I decided to take him to the place where he agreed to make a deal with me, thinking that it would be the perfect place for us to end the deal and make a fresh start sa relasyon naming dalawa.
And speaking of which, hindi ko pa nasabi sa kaniya tungkol dito. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at tinext siya, umaasa na sana pupunta siya.
To: Leo
Leo, available ka ba mamaya? Let's date. Doon sa place kung saan natin ginawa ang deal noon. G? :)Nang masend ko ang text na iyon ay nakaramdam ako ng kaba na may halong excitement. Marami akong dala ngayon, halos lahat ay essentials na kailangan ko para pampaganda para sa magiging lakad naming dalawa.
Hindi ko na sinabi sa kaniya ang iba pang detalye. All I told him we're the time and the place where we should meet.
Nang makarating ako sa café ay nagawa ko ang aking trabaho ng maayos. I'm really excited of what will happen later and doing things efficiently and quickly shows my excitement.
Ako na ang naglinis sa sahig, naglinis sa mga mesa at naghatid ng order sa mga costumers sa table.
Ilang oras ang nakalipas ay nagpahinga ako pagkatapos ng nakakapagod na araw. Doon ako sa counter nagpahinga kasama si Fae at si Gwen.
"Ooh, nakakapagod ngayong araw ah." Sabi ko naman at pinahid ang sariling pawis.
"Pero mukhang hindi ka pagod ah." Komento ni Fae sa akin, siniko niya si Gwen at binigyan ng kakaibang ngiti. "Oo nga. In fact, mukhang inspired ka pa nga e. In love ka ata, Te." Tinukso ako ni Fae.
"Luh, hindi ah." Tanggi ko.
"Susss, tanggi ka pa e halata naman sa mukha mo." Sabi niya.
"Mukhang kamatis ang pisngi mo Te, aaminin mo na kasi." Si Gwen.
I smiled and hid my blushing cheeks to them. Pagkatapos ay tumawa at kinilig. "Yieee, in love na siya kay ex." Sabi niya.
"BWAHAHAHA! MARUPOK!" Sigaw ng isa at tumawa sila. Tumawa din ako.
Ilang oras ang nakalipas at malapit na matapos ang shift ko. Alas diez na ngayon. Tiningnan ko ang aking phone at nakitang hindi pa siya nag-reply. Busy siya ata kaya I let it slide and focus sa work.
Pagkatapos ng isang oras ay pumunta kami sa restaurant para kumain ng tanghalian.
"MJ, anong oras ang date niyo?" Tanong ni Gwen sa akin habang kumain ng gulay.
"Hmm... Gusto ko sana ngayong lunch kaso hindi pa siya nag-reply sa akin; busy ata siya. Pagkatapos na lang siguro sa trabaho namin. Kinakabahan pa ako e." Sabi ko at agad kong kinuha ang phone ko para ipaalam sa kaniyana baguhin na lang ang oras ng pagkikita namin mamaya.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ka naman kinakabahan MJ? Kung kinakabahan ka na hindi ka gusto nun, wala kang dapat kabahan tungkol diyan dahil halatang mahal ka nun e." Sabi ni Fae.
"E alam ko naman iyon e. Takot lang ako baka magsisisi ako sa huli." Pagdududang sabi ko.
"Ano ba ang pagsisihan mo? Hayst. MJ, mahal mo ang tao e. Kung mahal mo, handa ka sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan. Magsisisi ka man o hindi, masaktan ka man o hindi." Sabi ni Gwen.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...