MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 43:
"ENDING"
Nang makapasok kami ni Jonathan sa mansyon, nagulat ako nang makita ang kabuoan ng interior. Ang laki, na para bang madali lang para sa isang taong first time pang nakapasok dito na maligaw sa lugar na'to. Para kasi siyang palasyo gaya ng mga nakita ko sa mga Disney movies.
With the spacious place, it sure sounds and looks empty. Walang masyadong tao kasi dito. The interior structure of the house has a great combination of modern and traditional architecture. There are windows that are twice and thrice my height with a great view of the garden outside. There are also paintings in the walls; some are portraits of people, nature, and abstract paintings.
Malinis ang mga sahig. Sobrang polished na para bang nakakatakot na tapakan ito dahil baka madumihan at mapagalitan ka kapag nadumihan mo ito. May dalawang curved stairs patungo sa second floor connecting both stairs as they unite in the intermediate landing. The middle is like a balcony kung saan ma-imagine mo na makita mo ang magandang view sa buong sala galing sa second floor.
Seeing this place for the first time made me realize why Leo goes to his apartment instead of going back into the mansion. Napakalaki ng bahay, pero napakatahimik at mukhang wala kang kasama.
"Miss Beautiful. Dito po tayo." Sabi niya at pumunta kami sa second floor.
"Saan ba ang mga kasambahay nila dito? Medyo odd lang kasi parang walang tao." Usisang tanong ko kay Jonathan.
Nagkibit-balikat lang siya, hindi alam ano ang sagot.
"Ewan ko. Nagtataka din ako e." Sagot niya.
As we reached the top of the stairs, pumunta kami sa kanan patungo sa kung saan ako dadalhin ni Jonathan. Tanaw ko sa aking kanan ang sala habang naglalakad ako.
"Ang laki naman ng bahay nina Leo." Sabi ko.
"Yeah." Sabi niya na para bang hindi makapaniwala. "Ang laki nga kesa sa inaasahan ko. Ang ganda pa ng bahay nila." Puri niya.
"Dito tayo, Miss Beautiful." Sabi niya at inaya niya ako patungo sa isang pinto. Nang mabuksan niya iyon ay natigilan ako nang makita ang isang kwarto na may mga bagahe. May mga kasambahay din dito kung saan nag-eempake sila ng mga gamit. Napahinto sila nang makita kaming dalawa ni Jonathan. With pictures of Leo and paintings on the wall, it's no doubt that this is Leo's room.
"Paano kayo nakapasok dito?" Takot na tanong tanong ng isa sa mga kasambahay.
"Pinapasok kami ng mga guwardiya. 'Wag kayong mag-alala, secretary ako ni Sir Leo. Siya naman ang girlfriend ni Sir Leo." Pagpapakilala ni Jonathan sa'min sa mga kasambahay.
Natigilan sila.
"Girlfriend?" Sabi ng isa sa mga kasambahay, natigilan sa sinabi ni Jonathan. Napatango naman ako para kompirmahin na totoo nga ang sinabi niya.
"Oo. It's awkward pero this is not how I should introduce myself sa inyo at sa mga magulang ni Leo. Ako si Macky, girlfriend ni Leo. Nais ko lang malaman saan ba siya? Kailangan ko siyang maka-usap." Sabi ko sa kanila, nagdedemanda ng kasagutan.
"Hindi namin alam saan siya ngayon. Ang alam na lang namin ay hindi na siya babalik dito." Sagot ng isa sa mga kasambahay.
"A-akala ko kaibigan ka lang. May nakita kasi kaming ibang kasamang babae ni Sir Leo nung huli namin siyang nakita." Sabi naman ng isa.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...