MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 42:
"REVEAL THE TRUTH"
"MJ, get in." Amadeus suddenly showed up out of nowhere in the road with his car while I am walking down the dark street, away from the restaurant where I last saw Leo.Napatingin ako sa kaniyang direksyon at nagtama ang mga paningin namin ni Amadeus. Natigilan siya nang makita ang mukha kong puno ng mga luha sa pisngi. Pinarada muna niya ang kaniyang sasakyan sa gilid at lumabas sa kaniyang kotse para lapitan at yakapin ako.
Dahil sa kaniyang ginawa, mas lalo akong napaiyak. Napayakap ako kay Amadeus dahil sa sakit ng aking nararamdaman ngayon.
Hinaplos niya ang aking buhok at lalong hinigpit ang pagyakap sa akin.
"Tahan na, MJ." Bulong niya sa akin, sabay haplos sa aking buhok at pagyakap sa akin.
I can't do what he said; I was too hurt to just stop crying. Hindi ako makapaniwala na sa huling pagsasama ni Leo, iyon ang huling pag-uusap at pamamaalam namin. Hindi ako natatahimik malamang hindi naging maayos ang huling pag-uusap namin ni Leo.
"G-gusto ko nang umalis dito, Amadeus." Sabi ko.
"Saan mo ba gusto pumunta, MJ?"
"Gusto ko nang umuwi." Sagot ko.
"I'll take you home." Sabi niya at tumango lang ako.
Nang makapasok na kaming dalawa sa sasakyan ay inandar niya ang makina at bumiyahe papunta sa bahay. Nung una, tahimik ang sasakyan. Habang nagmamaneho siya, napatingin ako sa labas ng bintana kung saan bukas ang mga ilaw sa gilid ng kalsada dahil nagsimula nang magdilim sa siyudad.
Kung biglang bubuhos ang ulan tapos may nakakalungkot pang kanta na ipatugtug ni Amadeus sa radyo, it would really match my mood ngayon.
"MJ, what's going on?" Usisa niyang tanong habang nagmamaneho at hawak ang manibela. Hindi ko siya sinagot at nanatiling manhid, habang nakatingin sa kalsada at sa mga sasakyan na dumadaan.
"MJ?" Tawag niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniyang direksyon. "S-sorry." Sabi ko at pinahid ang aking mga luha, but more tears started to fall once again.
"Why are you saying sorry for? Wala ka namang ginawang masama ah." Tanong ni Amadeus sa akin, halatang nalilito sa aking sinabi at walang alam sa mga nangyari.
Seeing him right now made me feel guilty for him. Pero bakit hindi niya nakita iyon? Naghihintay lang ba siya na ako pa ang sasabi ng totoo sa kaniya?
"Amadeus." Panimula ko. Napalingon siya sa aking direksyon nang huminto siya dahil sa pulang ilaw na nasa traffic light.
"I'm sorry... Inaksaya ko ang oras mo." Dagdag ko.
He shook his head. "MJ, you don't need to be sorry for that. And, hindi mo inaksaya ang oras ko dahil hindi mo naman ginawa iyon. There's no need to apologize for that." Sabi niya.
But I keep insisting and said that I'm sorry. Alam kong dapat niya akong sigawan o pakitaan ng galit dahil alam kong naiinis siya sa akin. Pero nagawa niyang tumahimik at sinabing wala akong kasalanan.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay. Pinarada niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa nagsalita ako ulit.
"Sorry..." I whispered.
He sighed, seemingly tired of hearing the words I kept repeating. "How many times do I have to tell you that there's nothing for you to apologize for?" He sounded like he was annoyed but he controlled it well. "Wala kang ginawang masama sa akin-"
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...