Tumingin ako sa harap nang matapos sagutan ang huling exam ko sa araw na ito. Walang pasok bukas at sa susunod na linggo ay magsisimula na ang practice para sa graduation.
Hindi ko pa maproseso na nalalapit na ang pagtatapos namin. Masyadong mabilis na dumaan ang mga araw.
Lahat kami ng mga kaibigan ko ay ginawang hobby ang pagtambay sa bahay nila John. Sa nagdaang linggo ay palagi kaming naroon sa kanila para magstudy sa huling exam na ito.
Nakaka-overwhelm ang excitement ko para sa darating na graduation, and at the same time, nalulungkot dahil gagraduate na kami.
Malungkot akong ngumiti at huminga. Tumayo ako at ipinasa ang papel ko.
Ang mga kaibigan ko ay hindi pa tapos sumagot.
Kailangan kong umuwi ng maaga ngayon dahil may usapan kami ni John na lalabas kami after ng exam.
"Pwede ka ng umuwi, Ms. Blasco." sabi ni ma'am kaya tumango ako at kinuha ang mga gamit ko.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko at sinensyasan silang mauuna na ako.
Pagkatapos ng araw na 'to, practice na ng graduation. After a week, graduation na.
Nag-angat ako ng tingin paglabas ng school. Pumunta ako sa motor ko at sumakay doon. Alas tres pa lang. Masyado pang maaga.
Sinuot ko ang helmet at aalis na sana nang mapatingin ako sa gilid ko. Sumulpot bigla si Cydrick. Nagulat ako dahil ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.
"Ikaw pala." sabi ko at nagwithdraw ng ayos sa motor. Umupo ako at hinubad ang helmet ko. Tinignan ko siya.
"Maagang natapos ang exam niyo?" Tanong niya.
"Oo eh. Basic lang kasi." nagmamayabang na biro ko at tumawa ng bahagya.
"Nabalitaan ko ang tungkol sa inyo ni John." sabi niya kaya napatigil ako.
Nakalimutan ko ang tungkol sa kaniya nang maging kami ni John. Hindi ko siya gusto pero ayokong mag-inflict ng sakit sa iba.
"Uh..." hindi ko alam ang sasabihin kaya tinitigan ko na lang siya.
"Nong malaman ko 'yon, hindi na ako nagparamdam. Nababalitaan ko lang ang tungkol sa inyo dahil sa mga naririnig ko." patuloy niya at tinignan ako.
Huminga ako at lumunok.
Sa una pa man ay sinabi ko na sa kaniya kung hanggang saan lang kami. I already drew the line between us. Pero naiintindihan ko siya. Alam ko, dahil umasa na rin ako. Ang pinagkaiba namin, nakausad na ako, habang siya ay nananatili pa rin.
"Pwede pa rin tayong maging magkaibigan, Cyd." sabi ko at maliit siyang nginitian.
"Ayoko ng kaibigan lang, Yam. Kaya hindi ko matatanggap ang offer mo. Baka agawin kita kay John. Kaya hindi na." biro niya at natawa.
Ngumisi ako at napailing.
"Kahit kailan ka talaga." tinitigan ko siya.
"Saan ka nga pala magcocollege after graduation?" Tanong ko at bumaba na sa motor ko para makaharap siya ng maayos. Sumandal ako sa motor ko at pinagkrus ang mga braso.
Tumingin siya sa gilid at huminga.
"Hindi ko pa alam ih."
"Anong kurso ba ang kukunin mo?"
"Police."
Napatango ako.
"Good luck sa kung saan ka magcocollege. Sana magkita pa rin tayo." sabi ko at tumayo ng maayos. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Ngumiti ako at lumayo.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Teen FictionBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...
