CHAPTER 31

0 0 0
                                        

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang matapos kaming magbreakfast.

Tulala akong nakatingin sa kawalan habang nandito kami sa labas ng mansion nila.

Mayroong bleacher sa baba ng terrace nila. Doon kami tumambay para magpahinga.

Ang pamilya niya sa loob ay busy sa paghahanda para bukas. Inaya si John sa loob pero tinanggihan niya sila at dinala ako rito.

Kumurap ako at huminga.

Ayaw sa 'kin ng mommy niya. Alam kong ganoon ang dating nong mga kilos niya kanina.

Sa lahat ng nandito ay ang mommy niya lang ang ganoon sa akin. Maayos naman akong kinakausap ng mga tito at tita niya.

Bukas ay darating pa ang iba nilang kamag-anak mula sa malalayong lugar.

Nabanggit din nila ang hindi pag-attend ni Lola Arceli at Lolo Marcelito sa birthday ng mommy ni John.

Hindi ko alam kung masyado lang akong nag-i-imagine, pero nasesense kong kaya hindi sumama si Lola at Lolo ay dahil hindi maganda ang ugnayan nila rito.

Sa lahat ng kamag-anak ni John ay ang lolo at lola niya lang ang wala rito.

Nagwowonder na tuloy ako kung bakit na sa Maynila si John, at hindi nanirahan kasama ang magulang niya rito sa Davao.

"You okay?" Tanong ni John na nagpabalik sa 'kin sa sarili ko.

Masyadong malayo na ang iniisip ko na hindi ko namalayang kanina niya pa pala ako tinititigan.

Kumurap ako at nilingon siya.

"Ayos lang naman ako." sagot ko at ngumiti.

Diretso ang tingin niya sa akin. Seryoso ang mata niya na parang binabasa kung totoo ba ang sinabi ko.

"Tell me what's on your mind." sabi niya kaya napatigil ako.

Sasabihin ko ba ang napapansin ko?

Maniniwala kaya siya?

Naalala ko na naman iyong sinabi niya kanina sa mommy niya.

Kumurap ako at inosente na siyang tinignan. Ngumiti pa ako para maipakitang totoo ang sinasabi ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa harap.

"Baka pumunta ako sa amin. Bibisita." sabi ko at binalik sa kaniya ang tingin.

Nagbago naman ang itsura niya. Naging attentive na siya sa sasabihin ko. Hindi na seryoso ang mukha niya. He's like waiting for my words.

"When?" Tanong niya.

Huminga ulit ako at nilagay sa hita ang mga kamay ko.

"Baka mamaya. Titignan ko pa."

"How about now? We have nothing to do here." aya niya.

Mabilis ko siyang nilingon.

"Dapat nga ay na sa loob ka dahil kailangan ka naman doon. Ako lang ang walang ginagawa rito kaya... baka pwedeng sa amin na lang muna ako?"

Natigilan siya at tinitigan ulit ako.

Nginitian ko siya para hindi siya mag-isip ng masama sa dahilan ko.

Ayoko ring magstay dito kung ganitong ayaw sa akin ng mommy niya. Maayos ko siyang kinakausap kanina kahit pa halos sungitan niya lang ako. 'Yong nga inaakto niyang pinaparamdam sa akin na ayaw niya talaga sa akin.

Everything is worth to try, but nothing is worth it when it is not even giving.

Ayoko ng subukang gustohin niya ako. Kung ayaw niya sa akin, kahit wala naman akong ginagawang mali, ayos lang.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now