"Anak? Yam! Gising na! Malalate ka na sa klase!"
Nagising ako dahil sa sigaw na iyon ni mama.
Naalimpungatan ako at mabilis na bumangon. Tumingin ako sa alarm clock ko at malapit ng mag-alas syete.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumangon. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto.
Malalate na ako!
"Ma naman, bakit ngayon mo lang ako ginising?" Reklamo ko habang bitbit ang tuwalya papasok ng banyo.
"Nandito ang boyfriend mo oh. Kanina pa ako sumisigaw sa'yo." napakurap ako at napatigil sa akmang pagpasok sa kusina dahil sa sinabi ni mama.
Umatras ako at sumilip sa kaniya sa sala. Napako ang tingin ko kay John na nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin.
Kumurap ako at binawi ang tingin sa kaniya. Umayos ako ng tayo at pilit na ngumiti.
"Ah, nandito ka pala." mahinang sabi ko at tinikom ang bibig. Nagkamot ako sa batok at hinarap siya. Nagpaalam naman si mama at iniwan kami.
Tumayo siya at nilapitan ako kaya naalerto ako. Bahagya akong umatras dahilan para tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Timignan niya ang espasyo sa pagitan namin. Hindi siya tumigil at tinawid ang kaunting distansiya sa aming dalawa.
Napakurap ako nang hawakan niya ako.
Marahan niya akong tinignan.
"We'll talk once you're done taking a bath. Maghanda ka na muna para pumasok." masuyong sabi niya kaya napaangat ako nang tingin sa kaniya. Iniwas ko rin agad at tumango.
"Uh... Maliligo na ako." paalam ko at yumuko. Umatras ako palayo sa kaniya at binitawan niya naman ako.
"Be quick. We'll be late." paalala niya bago ako tuluyang tumalikod.
Huminga ako at kinagat ang labi.
Kakausapin ko siya ngayon. Hindi ko nagawa kagabi dahil dumiretso kami rito at dinala niya ako sa kwarto. Nakatulog agad ako kaya hindi ko na siya nakausap pa.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Nagsusuklay ako habang tinitignan ang pagkain sa lamesa.
"Ayain mo naman si John dito, Yam." utos ni mama kaya napatingin ako kay John doon sa sala.
Walang imik akong naglakad palapit sa kaniya at huminto sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Kumain ka na ba? Halika muna sa kusina." aya ko sa kaniya at nilahad ang kamay ko.
Tinitigan niya muna ang kamay ko bago iyon tinanggap at tumayo.
"Anong oras ka bang dumating?" Tanong ko sa kaniya nang maupo kami.
Nagsimula akong kumuha ng ulam habang hinihintay ang sagot niya.
Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko na siya. Naabutan ko siyang titig na titig sa akin.
"Bakit?" Walang gana kong tanong sa kaniya.
Nawala ang lakas ko para ngayong araw. Iniisip ko pa lang na masasaktan siya sa mga sasabihin ko mamaya, nanghihina na ako. Kaya hindi ko magawang ngumiti o makatagal ng tingin sa kaniya.
Umiwas ako nang tingin nang titigan niya ako ng mariin. Lumunok ako at huminga.
"Gusto mo ba ng kape o gatas, John?" Biglang sulpot ni mama kaya nilingon ko siya. Nakatingin naman siya kay mama.
"I'm fine with water, tita. Thanks." sagot niya at ibinalik sa akin ang attensyon.
Nagkatinginan kami. Nagsisimula na akong kumain habang wala pang laman ang pinggan niya.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Novela JuvenilBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...
