CHAPTER 26

0 0 0
                                        

"What if dito na ako matulog?" Pabiro kong suggest sa kaniya habang naliligo kami sa pool.

Dinala niya ako rito pagkatapos namin sa kwarto niya. Kumuha lang kami ng tuwalya para sa 'kin at nagpahanda ng kaunting pagkain para sa amin.

"Only if your brother will allow." sabi niya at hinuli ako.

Mabilis akong lumayo dahil naglalaro kami ng habulan.

Ayoko namang mataya. Kahit halata namang pinagbibigyan niya lang akong makatakas. Kayang-kaya niya naman akong hulihin agad.

Tumawa ako at inasar siya dahil sa pagiging mabagal niya. He's actually uninterested with our game, pero pumayag lang dahil gusto ko.

His facial expression change kaya nanlaki ang mata ko.

Naging seryoso 'yon at mukhang handa na akong sugurin.

"Are you challenging me, huh?" Aniya at mabilis na hinabol ako. Napatili ako dahil ang bilis ng kilos niya.

Nagpanic agad ako at nagkumahog na lumayo, pero dahil hindi ko napansin, na sa likod ko na pala siya at sinusundan lang ako.

Nagulat na lang ako nang huminto ako dahil akala ko ay nakalayo na ako sa kaniya pero hindi pala. Na sa harap ko mismo siya.

Ngumisi siya at mabilis akong hinuli.

"Ang daya!" Reklamo ko at busangot ang mukhang tinignan siya.

"Walang dayaan dito. I played fair." depensa niya at tumawa.

"Ang daya talaga. Ayoko na nga." kunot noong sabi ko at umahon sa pool, pero pinigilan niya ako at niyakap sa likod.

"And now you're acting this way. Women and their unexplainable attitude." nang-aasar niyang sabi at tumawa.

"Kapal mo ah. Addict ka nga sa kiss." balik ko sa kaniya at umirap. Natawa na rin ako dahil sa violent reaction niya.

"At least sayo lang. Hindi sa iba. Ikaw lang ang hinahalikan ko." uminit ang pisnge ko at umilag sa kaniya nang akmang hahalikan niya ang pisnge ko.

"Tama na nga. Gusto mo lang ulit makaisa ih." sabi ko at natawa na.

"Hindi lang isa. Gusto ko ng marami pa."

"Ano!" Gulat kong sabi at lumayo sa kaniya.

Natatawa akong naglakad paakyat sa hagdan at iniwan siya roon.

Mabilis siyang sumunod sa 'kin at hinabol ako. Lumapit naman ako sa table at kumuha ng sliced apple. Hinawakan niya ang beywang ko at nakikagat sa apple na hawak ko.

Nakanguso ko siyang nilingon. Hindi na lang ako nagsalita at kumuha na lang ng panibago.

"Alam mo, may na kwento sa 'kin ang lolo mo." sabi ko habang tumitingin sa mga pagkain.

"And what is it?" He sound curious now.

Kumuha ako ng calamares at hinila siya paupo sa mga silya.

"Sabi niya, hindi ka raw mahilig lumabas dati." panimula ko at sinubo ang calamares.

Kumuha ulit ako ng isa at hinintay ang sagot niya. Nilingon ko siya dahil ang tagal niyang sumagot.

"I don't have friends here, so I locked up my self in my room." sagot niya kaya napakurap ako.

"Pero nandiyan sila Veloso at Warren."

"That's before I meet them. Binibisita nila ako rito para kunin."

"Hindi ka ba close sa lolo at lola mo?" Nagtataka kong tanong.

"I am, of course. It's just my choice to stay in my room. I don't like going out. I prefer to stay at home, until I met you."

LOVE CURSE Where stories live. Discover now