Dumaan ang mga araw. Excited na akong magfriday dahil ayon ang alis namin ni John.
Wednesday pa lang ngayon at hindi na ako makapaghintay na matapos ang araw na 'to at pati bukas.
Busangot ang mukha kong kumuha ng cookies na dala ni Jewell.
Nagsisimula na ang mga ganap para sa foundation, pero hindi roon nakatuon ang pansin ko.
Wala ni isa akong sinalihan na booth at ito kami, nakatunganga sa bleachers para manood ng basketball.
Kasama si Elijah at Aldrin sa basketball team ng school namin kaya nandito kami para sumuporta. Bukod do'n, dahil gusto ni Aleah at Kristel na panoorin sila.
Si Maria ay umuwi kaninang lunch. Matamlay siya simula pa noong lunes. Naiintindihan ko kung bakit. Hindi na lang namin pinilit.
Gusto ko ng umalis dito para puntahan si John. Hindi namin siya kasama rito kasi busy siya sa booth nila.
Bumisita ako roon kanina. Bumili ako ng palamig para makita siya. Maraming nakapila roon kasi gwapo ang nagbabantay, buti na lang at hindi sa pagbebenta siya naka-assign.
Malumanay kong kinain ang cookies at uminom ng tubig. Ang tagal pa matapos dito. First round pa lang.
Huminga ako at tumingin sa labas ng gym.
Napatingin ako sa court nang humiyaw ang lahat. Pati si Aleah at Kristel ay nagsisisigaw.
Ngumiwi ako habang pinapanood sila na nagchicheer. Nakascore kasi si Aldrin ng three points.
Huminga ako ng malalim at pinagdiskitahan na lang ubosin ang cookies ni Jewell.
Lumipas ang ilang oras at dumaan ang second round. Panalo ang kabilang school sa first round kaya medyo naging aktibo ang grupo nila Aldrin.
Napatayo kami nang matumba si Elijah dahil tinulak siya nong player sa kabilang team. Grabe ang violent reaction ng mga audience na kahit ako ay hindi nagustohan ang nangyaring 'yon.
"Obvious namang sinadya 'yon." narinig kong sabi ng mga katabi namin.
"Maglaro kayo ng malinis! Mga trapo player!"
Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Kristel.
"Anong trapo teh?"
"Trapo, kasi mahilig silang manulak. Nagiging pamunas sa sahig ang player natin."
Napangiwi na lang ako at umiling. Medyo natawa sa bansag ni Kristel sa kabilang team. Totoo namang kanina pa sila ganiyan. Ngayon lang may natumba talaga.
Kaya bilang ganti, binawi nila ang second round at pagdating ng third at fourth round, nanatiling leading ang grupo nila kaya panalo ang school.
Ako ang unang tumayo pagkatapos ng game. Excited na akong lumabas ng gym para puntahan si John.
"Pumunta tayo ron. Icocongrats ko lang si Aldrin."
Mabilis na bumusangot ang mukha ko sa sinabi ni Aleah.
"Tara. Icocongrats ko rin si Elijah. Tinulak pa naman siya kanina."
Pinagkrus ko ang mga braso at huminga. Pinanood ko silang tumayo isa-isa.
"Ang daming tao oh. Makikipagsiksikan kayo riyan?" Salubong ang kilay na sabi ko.
Tumingin din sila doon sa gitna ng gym kung saan pinapalibutan sila Aldrin at Elijah, pati ang iba nilang kasamahan.
"Oo nga. H'wag na! Hindi rin naman nila kayo papansinin." si Ramil at tumabi sa akin.
Tinanggal ko ang pagkukrus ng mga braso ko ay tumalikod.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Novela JuvenilBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...
