CHAPTER 29

0 0 0
                                        

"Finally, friday na!" Excited kong sabi habang nakatingin sa salamin.

Ayoko na sanang pumunta ng school ngayon, pero may attendance kaya kailangang sumipot.

"Yam? Aalis na ako! Itext mo 'ko mamaya kapag tutulak na kayo ni John." sigaw ni kuya kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at hinanap siya.

"Sinabihan mo ba sila mama na uuwi ako?" Tanong ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako at umiling.

"Ikaw? Uuwi ka ba mamaya? Walang magbabantay dito sa bahay, kuya." sabi ko dahil hindi pa nakakalabas ng ospital si Ruiza.

Nagkaroon daw siya ng uti kaya sinugod sa ospital. Maglilimang araw na rin siya sa roon, at kaya hindi pa nakakalabas ay dahil under monitor pa siya kasi kumalat na sa upper urinary niya ang infection.

"Uuwi ako. Dadalawin ko lang si Rui."

Tumango ako at huminga.

"Mag-ingat ka." sabi ko, nang magpaalam na siya para umalis. Hinihintay ko kasi si John kaya nandito pa ako.

Ang usapan namin ay alas nuebe na ako papasok. Mag-a-attendance lang ako at tatambay na sa booth nila.

Pumunta ako sa sala at chineck ang bag na dadalhin ko. Naisip kong dalhin na lang ang gamit ko para hindi na kami umuwi ni John dito para kunin iyon. Didiretso na lang kami sa kanila.

Kaunti lang naman ang dala ko dahil tatlong gabi lang kami roon. Nagdala na rin ako ng dress dahil nga at birthday ang pupuntahan namin doon.

Malalim akong huminga at napatingin sa labas. Umalingawngaw ang makina ng sasakyan ni John. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Hawak sa kamay ang susi at lock ng pinto ay sinalubong ko siya.

Napatingin siya sa bag na dala ko.

"Ito na lahat ang dadalhin ko. Dadalhin ko na lang para hindi na tayo umuwi rito mamaya." paliwanag ko. Tumango siya at kinuha sa akin 'yon. Umalis siya para ilagay sa loob ng sasakyan ang bag ko kaya nilock ko muna ang pinto.

"Let's go." aya niya nang makabalik.

Tumango ako at sinecure muna na nakalocked na nga ang pinto bago lumakad.

"Tara na." aya ko at umalis na kami.

Sa byahe ay napansin ko ang isa pang bag sa likod katabi ng akin. Hindi ko napigilang magtanong.

"Kanino 'yong bag sa likod?" Tanong ko sa kaniya.

"It's mine. We're not going home anymore. Didiretso na tayo." sagot niya.

Tumango ako at hindi na nagsalita.

Napatingin ako sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko at inilagay sa hita niya.

Diretso ang tingin niya sa harap. Seryoso siya habang nagdadrive. Ang gwapo-gwapo niya tignan.

Ngumiti ako at pinagsiklop ang kamay namin.

"I love you." malambing kong sabi nang may matamis na ngiti sa labi.

Kinagat niya ang labi at ngumisi.

"I love you more." tugon niya at sinulyapan ako saglit.

Malaki ang ngiti ko nang dumating kami. Dumiretso ako sa room dahil naghiwalay kami ng landas dahil dumiretso naman siya sa booth nila.

Nakasalubong ko si Aleah at Kristel sa hallway. Galing silang banyo. Kasabay ko silang pumasok.

"Excited ka na niyan, Yam? Aalis na kayo mamaya." sabi nila nang maupo ako.

"Syempre. Meet the family na rin 'yon." nakangiti kong sagot. Nagmamalaki silang tinignan.

"Kainggit naman. Magmemeet the family ka na, kami, hanggang tingin pa rin." nakangusong sabi ni Ramil. Tinukod niya ang siko sa upuan at ipinatong ang mukha sa palad, at huminga.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now