CHAPTER 23

0 0 0
                                    

Alas dose nang bumaba kami sa mga kwarto namin para magpahinga. Ang iba sa kanila ay bumalik sa pool at ang iba ay hindi na. Nanatili na lang doon, kasama namin, at nagkwentuhan para pampalipas oras.

Ngayon ay nakahiga na ako at sinusubukan matulog dahil inaantok na, pero kahit anong subok ko ay nauuwi pa rin ako sa pagdilat.

Hindi ako makatulog kahit inaantok ako. Naka-off ang lights kasi sanay akong matulog na nakapatay ang ilaw. Hindi ko makita si John at wala akong naririnig galing sa kaniya.

Huminga ako at dahan-dahang tumagilid, paharap sa pinto. Na sa likod ko si John.

Tumitig ako sa kawalan. Sa gitna ng dilim. Ang bintana ay natatakpan ng manipis na kurtina, kaya may kaunting ilaw pa ring pumapasok sa kwarto.

Puyat talaga akong papasok nito bukas.

Pipikit na sana ako nang manlaki ang mata ko at agad na napalingon sa likod ko nang maramdaman si John.

Yumakap ang braso niya sa 'kin at sumiksik sa leeg ko, pagharap ko.

Suminghap ako at napahawak sa kaniya.

"Uh..."

"Hindi ako makatulog." sabi niya kaya napakurap ako. Mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko kaya halos napapaatras na rin ako. Natawa ako dahil habang umaatras ako ay hinahabol niya rin ako para lang isiksik ang sarili sa 'kin.

"Mahuhulog tayo nito." natatawang sabi ko.

"Stop moving." napapaos ang boses na tugon niya.

"Bakit kasi andito ka?" Natatawa kong tanong.

"I can't sleep." simple niyang ulit sa sagot niya kanina. Ngumuso ako at hinawakan ang ulo niya. Tinignan ko siya kahit madilim.

"Ako rin. Hindi ako makatulog. Lalaki talaga ang eyebags ko nito." biro ko at natawa.

"You don't even sound like you're tired."

"Bakit?"

"You keep on laughing." natawa na rin siya.

Naramdaman kong tinignan niya ako dahil gumalaw ang ulo niya.

"H'wag mo nga akong tignan, wala ka ring makikita." sabi ko at natawa na naman.

"Ah. Should we open the lights so I can see you?"

"Hindi, h'wag. Baka mas lalo tayong 'di makatulog."

"I'm already sleepy." aniya at isiniksik ulit ang mukha sa leeg ko.

Natawa na naman ako dahil sa kiliti.

"Madaya! Inaantok ka na. Hindi pa ako inaantok." reklamo ko at huminga.

Hinaplos ko ang ulo niya at kalauna'y humikab. Lumamlam ang mata ko dahil sa pagod kakatawa.

Sinubukan kong silipin si John pero hindi na siya kumikibo. Mukhang nakatulog na. Ngumuso ako dahil mukhang niloloko lang ako nito kanina. Gusto niya lang talagang tumabi sa 'kin.

Huminga ako at napatitig sa kawalan. Ang mata ko ay dahan-dahang lumalabo. Paliit nang paliit ang nakikita ko. Bigla ay hindi ko namalayan, tuluyan akong nakatulog.

Pagod na pagod akong gumising ng maaga para makauwi kami. Pumasok kami sa klase na parehong inaantok. Hindi ko alam paanong naihatid kaming lahat ni John kahit na inaantok din siya.

Ako ang pinahuli niyang hinatid. Si Kuya ang kumuha sa 'kin dahil nakatulog pa ako sa byahe pauwi.

Late na nga akong nagising. Late na rin akong pumasok. Na damay pa si John na sinundo ako.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now