CHAPTER 34

0 0 0
                                        

Sa amin kami namalagi buong maghapon. Halos ayaw ng pakawalan ng pamilya ko si John. Tumawag naman ang daddy niya kanina, nagtatanong kung nasaan kami.

Pinanood ko siya habang kinakausap sa phone ang daddy niya. Nakikipaglaro ako sa mga maliliit kong pinsan. Habang hinahabol sila ay tinitignan ko rin siya.

"We're fine. We're going home tomorrow." narinig kong sabi niya at sumulyap sa akin.

Nagkatinginan kami. Humina ang pagtakbo ko at nanatili na sa kaniya ang paningin.

Tumaas ang dalawa kong kilay habang habol ang hininging nakatingin sa kaniya.

"Yes dad. Yes. Tomorrow. Dito ako matutulog--kami." seryoso niyang sabi.

Nagsalubong ang kilay ko.

Dito?

"Yes. We'll see you tomorrow. Uuwi kami sa umaga."

Bakit bukas pa?

"Alright. Bye."

Humugot ako ng malalim na hininga at pinanood siyang itago ang cellphone at lumapit sa akin. Sinalubong ko agad siya ng tanong.

"Bukas tayo uuwi?" Taka kong tanong sa kaniya. Napatingin ako sa pinsan kong hinihila ang laylayan ng damit ko.

"Dito muna tayo." sagot niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Pero paano bukas? Maghahanda pa tayo para sa party ng mommy mo." tanong ko ulit.

Naramdaman ko na naman ang paghila ng pinsan ko sa damit ko kaya hinarap ko siya at yumuko.

Hinawakan ko ang pisnge niya.

"Mamaya na ulit tayo maglaro ha. Pahinga muna kayo. Pawis ka na rin oh. Pasok muna kayo sa loob." utos ko sa kaniya at umayos ng tayo.

Bumusangot naman ang mukha niya kaya napakamot ako sa gilid ng ulo ko.

"Laro muna tayo ate Yam. " sabi niya at hinila ang kamay ko. Natawa naman ako dahil hindi ako nagagalaw sa pwesto ko kahit hinihila niya na ako, kaya nilingon niya ako.

"May pag-uusapan kasi kami ng kuya John niyo, kaya sa loob muna kayo." nakangiti kong utos sa kaniya.

"Punta kayo sa loob tapos humingi kayo ng chocolate kay Cha-cha." dagdag ko at pinisil ang pisnge niya.

"Chocolate!" Nakangiti niya ring sigaw. Tumango ako. Nilingon niya si Notnot at Tantam saka nilapitan.

Tumayo ako ng maayos at tumabi kay John habang tinatanaw silang tatlo.

"Hingi tayo Chocolate kay Cha-cha." aya niya sa kanila.

"Ha? Hindi na tayo maglalaro?" Tanong ni Tamtam.

"Mamaya na raw sabi ni ate Yam."

NIlingon nila akong tatlo.

"Pero..."

"Tara na. Pasok na tayo. Gusto ko ng chocolate."

"Ako rin!"

Pinanood ko silang mag-unahang pumasok sa loob ng bahay.

Huminga ako at nilingon si John. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

"'Yong tanong ko kanina?" Pukaw ko sa kaniya. Kumurap siya at tumikhim.

Napatingin ako sa duyan. Naisipan kong maupo roon, kaya hinila ko siya papunta sa duyan.

"The party will start at afternoon. Uuwi tayo ng umaga. We still have enough time to prepare tomorrow morning." paliwanag niya habang naglalakad kami. Umupo ako sa duyan at tinignan siya.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now