Nakarating kami bandang six thirty na rin. Almost dinner na. Kumuha sila ng isang kwarto para sa pag-i-istayan namin, pero kumuha pa ng isa si John para sa 'min dalawa, kaya hindi ko sila kasama.
Bago kami pumunta sa kwarto namin ay tumulong muna kami sa pagbibitbit ng mga dala namin papunta sa kwarto nila.
"Finally!" Excited nilang sigaw nang makapasok kami sa kwarto nila.
Malaki ang kwarto, dalawa ang bed, at may sofa. Kakasya silang lahat dito.
"Bilisan niyong magbihis, aakyat pa tayo sa pool." sabi ni Aleah kaya gumalaw na ang lahat.
"Dadalhin ba natin ang pagkain doon?"
"Oo. Kaya bilisan niyo na."
Nilingon ko si John at inaya nang lumabas.
"Babalik kami. Punta lang kami sa kwarto namin." paalam ko sa kanila at hinila na si John.
Siya ang nagbukas ng pinto at pinauna akong pumasok.
Pareho lang ng laman ang kwarto namin, pero magkaiba ng disenyo. Pumunta ako sa unang bed at binaba roon ang bag ko. Nilingon ko si John pagkatapos.
"Magpapalit lang ako." sabi ko at kumuha ng damit sa dala ko.
Tumango siya at tinungo ang isa pang kama sa tabi ng kama ko. May kaunting space sa pagitan namin.
Hindi naman siya nagsalita kaya iniwan ko muna siya roon. Pumasok ako sa banyo at doon nagpalit.
May salamin pagpasok ko. Nilapitan ko iyon at inilagay sa basket na naroon ang damit na dala ko. Hindi ko nilock ang pinto dahil kampante naman akong hindi papasok si John. Mabilis agad akong nagbihis.
Paglabas ko ay naabutan ko siyang nakapagbihis na rin. Nakaupo siya sa kama at napatingin sa akin. Hinagod niya ako ng tingin bago tumayo. Huminga ako at nilapitan ang gamit ko.
May dala akong mga storage bag para sa mga nagamit kong damit at basahan.
Huminga ako at binalingan si John na umupo sa gilid ng kama ko, katabi ang mga gamit ko.
Kanina ko pa napansin ang pananahimik niya. Hinawakan ko ang balikat niya. Nag-angat naman siya ng tingin ko.
"Kanina ka pa tahimik, may problema ba? Oh, nagbago ang isip mo sa pagsama rito?" Tanong ko at tipid na ngumiti sa kaniya.
Kinuha niya ang kamay ko na na sa balikat niya at dinala ako sa harap niya. Ngayon ay tinitingala niya na ako.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumayo, ngayon ay ako na ang nakatingala sa kaniya.
"I just realized, God have already granted my biggest wish."
Tumaas ang kilay ko.
"Ano naman ang wish mo?" Curios kong tanong, napangiti na.
He licked his lip at bumaba ang mata niya sa labi ko.
"That's for me to keep, and for you to find out."
Ngumuso ako, pero nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan. Mabilis lang iyon. Isang dampi lang. Ang kamay niya ay napunta na sa beywang ko.
Tinikom ko ang bibig ko at lumunok. Gulat ko siyang tinignan na may ngiti. Bahagya akong natawa nang may naisip. Hinawakan ko ang pisnge niya at ngumiti ng malaki.
"Gusto mo lang talaga akong halikan, kaya gusto mong humiwalay tayo ng kwarto sa kanila." biro kong sabi sa kaniya, pero nagulat ako dahil hindi niya itinanggi.
"That's one of the reason tho." aniya at ngumiti na rin.
"Ganiyan! Ngumiti ka. Para 'di ko isiping gusto mo ng umuwi." natatawa kong biro pa sa kaniya at binasa ang labi.

YOU ARE READING
LOVE CURSE
Genç KurguBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...