CHAPTER 37

0 0 0
                                        

Nagsimula na ang party. May show na inihanda para sa lahat. Kumain na rin ako at nagpapahangin ngayon dito sa pool.

Nahihiya ako sa loob dahil wala akong kilala roon. Si John ay hinayaan ko munang makihalubilo sa loob dahil pamilya niya ang nandoon.

Huminga ako habang paulit-ulit na pinanood ang video nong sumpang ginawa ko.

Nagpop up kasi ulit sa nfy ng tiktok ko. Nakaupo ako sa bench habang nanonood ng video's sa tiktok ko.

Ilang minuto na rin akong nandito. Malapit na ring magsix. Pupunta si John dito para yayain na akong mag-ayos para mamaya. Nakahanda na rin naman ang mga gamit namin.

Nanatili pa ako ng ilang minuto dahil baka maya-maya ay nandito na si John, pero hindi pa rin siya nagpapakita. Baka ay nakalimutan niya na ang oras ng alis namin dahil naaaliw na sa loob.

Huminga ako at nagpasyang pumasok na. Pinatay ko ang selpon at napatingin sa pool.

"Buti na lang at epektibo ang sumpang 'yon.  Wala ako rito kung hindi ko 'yon ginawa." bulong ko at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay, pero napatigil ako at nanlamig nang makita ang mommy niya.

Tahimik akong napasinghap at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kanina pa ba siya diyan?

Narinig niya ba ako?

Nag-unahan na ang pagpasok ng mga tanong sa isip ko.

Kinakabahan na ako dahil baka narinig niya nga ako.

Anong gagawin ko?

"T-Tita." nauutal kong tawag sa kaniya.

Ang takot sa akin ay hindi ko na mapigilan.

"What did you say?"

Mas lalo akong kinabahan sa tuno ng pananalita niya.

"Po?" Pigil hiningang tugon ko.

Pinamumuohan na ako ng pawis sa noo dahil sa kaba.

Lumunok ako dahil sobra-sobra na ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I heard you. You did something to my son!" She accused kaya para akong tinubuan ng ugat sa kinatatayuan ko.

N-Narinig niya ako.

"T-Tita, hindi po." napapikit ako sa kasinungalingan ko.

Narinig na nga ako.

"Ginagawa mo akong sinungaling sa narinig ko? I heard it clearly. You! Curse my son to be with you!" Bigla siyang lumapit sa akin sa mabilis na hakbang. Dahan-dahan naman akong napaatras sa takot.

Anong gagawin ko? May nakaalam na.

Bakit kasi sinabi ko pa 'yon?

Kasalanan ko 'to.

"T-Tita hindi po ganoon 'yon-"

"Sinasabi ko na. Nong una kitang nakita, kakaiba na ang pakiramdam ko sa'yo at pinatunayan mo ngayon. What kind of creature are you? Mangkukulam?! Kinulam mo ang anak ko para magkagusto sa'yo? Kaya siya ganito ngayon sa akin!"

"Tita..."

Sasabihin niya ba 'to kay John?

Anong gagawin ko kapag nalaman niya?

Paniguradong magtatanong siya sa akin kung totoo iyon. At anong isasagot ko? Sasabihin ko ba ang totoo? Naguguluhan na ako sa gagawin.

Bigla siyang tumalikod kaya mas lalong nanlaki ang mata ko.

S-Saan siya pupunta? Kay John?

"Tita saan po-"

"I'll tell this to my son at nang matauhan siya. Isa kang mangkukulam!" At tumalikod.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now