CHAPTER 25

0 0 0
                                    

Na sa may pool side nga kami kumain ng tanghalian. May dalawang kasambahay na naka-antabay kung sakaling may kailangan kami.

Tuwing susubo ako ay parati iyong nagagambala dahil kailangan kung sumagot tuwing may sasabihin sila.

Hilaw na napangiti na lang ako nang hindi pa man ako nakakasubo ay may tanong na naman sila.

Marahan kong binaba ang kutsara at ngumiti sa kanila.

Nakakailang subo pa lang ako simula kanina. Nagugutom na ako.

Kaya lang, biglang sumali si John sa usapan kaya hindi agad ako nakasagot sa tanong ng lola niya.

"Lola, let her eat properly. Kanina ka pa tanong nang tanong sa kaniya. She can't eat." sabi niya at binalingan ako.

"Kumain ka na." utos niya at dinagdagan ang laman ng plato ko.

"Oh? Right. I'm sorry. Natutuwa lang naman ako apo." tugon ng lola niya at nginitian ako. Ngumiti rin ako pabalik.

"Ayos lang po." sabi ko at nagsimula nang kumain ng sunod-sunod.

Pinagbigyan ako ng lola niya at hindi na ulit kinulit. Si John naman ngayon ang kausap niya.

"John, apo? Did you tell her already about your plan in leaving for Davao?" Biglang tanong ng lola niya at binalingan ako.

"I already did. I invited her to come with me."

"You did?" Gulat na reaksyon ng lola niya.

"Her parent's are actually in Davao right now, la."

"Oh?"

"So, who are you living with in your house here?" Baling niya sa akin.

"Ah, 'yong kuya ko po."

"I see."

"It will be on next friday. Did you pack already?"

Ngumiti ako at tumango.

"Tapos na po. Handa na po 'yong mga dadalhin ko."

"You'll stay there for three days. Kwentuhan niyo ako pagbalik niyo rito."

"Bakit nga po pala uuwi si John sa Davao? Hindi niya po nakwento sa 'kin ang dahilan ih." out of curiosity kong tanong.

"It's his mother's birthday."

Napatango ako.

"Hindi po kayo dadalo?"

"Oh, no. Ang apo ko lang. I hope you enjoy there. You'll meet his parent's too. I hope you get along with them."

"Ah, opo. Ipapakilala niya nga raw po ako sa kanila."

Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

"Anyway, mamayang hapon, I won't be around. I'll be meeting with my amigas." sa akin na ngayon nakatutok ang attensyon niya.

"Maiiwan dito si Marcelo para samahan kayo. I'm sorry if I have to leave. I know I promised will bond, Yam, but I will make it up to you tomorrow, okay?"

"Ayos lang naman po. Natuwa naman po ako sa ginawa natin kanina." tugon ko at ngumiti.

"No... It's not enough for me. I want more time with you, ija. It's just that, minsan lang kami magkita ng mga amiga's ko kaya I can't cancel this."

"Nako! Ayos lang po. May bukas pa naman po." nagkamot ako ng batok.

"Hayaan mo, dadalhan kita ng pasalubong pagbalik ko."

"Po? Hindi na po kailangan." nahihiya kong tanggi at umiling.

"Lola, don't spoil her. It's my job." salubong ang kilay na sabi ni John sa lola niya.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now