Ten am nga nang dumating kami. Sinundo kami ng family driver nila at dinala sa bahay nila.
Malaki rin ang bahay nila, pero mas malaki pa rin ang sa lolo at lola niya.
We're given a separate room. Magkatapat lang naman.
Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makipagkwentuhan sa pamilya niya dahil dumiretso kami sa kwarto para magpahinga. Binati lang namin sila pagdating.
Ngayon, nandito siya sa kwarto ko, umagang-umaga. Pinayuhan na kaming bumaba para magbreakfast pero ang sabi niya'y dito niya gustong kumain sa kwarto.
"Nakakahiya naman kung tayo lang ang wala roon. Bumaba na tayo." aya ko sa kaniya na nakahiga sa kama.
Hinila ko na ang kamay niya pero umungol lang siya at hindi nagpatinag.
"Babe!" Seryoso ko nang tawag sa kaniya.
Lumapit ako ng kaunti at sinilip siya. Nakapikit ang mata niya at nagkukunwaring natutulog.
Bigla siyang nagdilat kaya mabilis akong napalayo, pero hinila niya ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya.
Mabilis akong bumangon at umupo pero niyakap niya ako kaya nanatili akong nakaupo.
"Babe!" Salubong ang kilay na reklamo ko.
Yakap niya ako habang ang mukha niya ay nakatago sa likod ko. Kunot noong nilingon ko siya. Hinawakan ko ang braso niya.
"John..." malunay na tawag ko sa kaniya.
"Five minutes."
"Kanina ka pa humihingi ng oras. Baka akyatin ulit tayo rito." reklamo ko.
"Let's just eat here. Breakfast in bed." aniya kaya napangiwi ako.
"Tumigil ka nga! Bumangon ka na."
Pero mas lalo niya lang isiniksik ang sarili sa akin.
"Isa."
Hindi siya natinag sa unang bilang ko kaya nagbanta na ako.
"Kapag hindi ka pa bumangon, iiwan kita rito."
Umirap ako dahil hindi pa rin siya nakinig.
"Dalawa."
Naiinis na ako ngayon.
"John!" Seryosong tawag ko na sa kaniya kaya napaangat bigla ang mukha niya.
Natawa ako ng bahagya dahil mukhang doon pa siya natakot sa tono ng boses ko.
"Babe." tawag niya sa akin at umupo. Huminga naman ako at sinubukang tumayo.
"Halika na. Bumaba na tayo. Naghihintay na sa atin ang pamilya mo." sabi ko at tuluyan na ngang tumayo nang lumuwang ang yakap niya sa 'kin.
Parang bata siyang ngumuso at nagpatianod nang hilahin ko siya para makatayo.
"Tara na. Gusto ko ng makilala ang pamilya mo." aya ko at binuksan na ang pinto.
Umungol siya sa likod ko kaya hinila ko na siya palabas.
Malaki ang ngiti ko habang pababa kami. Siya naman ay seryoso ang mukha. Hawak niya ang kamay ko nang dumiretso kami sa malawak nilang kainan. Napalunok ako nang makitang nakaupo na silang lahat at mukhang kami na nga lang ang hinihintay.
May dalawang upuan na vacant. Magkatapat iyon, baka roon kami.
Tinignan ko siya at nakita kong salubong ang kilay niya. Siniko ko siya bago hinarap ang pamilya niya at ngumiti.
"Magandang umaga po. Pasensiya na sa abala. Pinaghintay pa po namin kayo." nahihiyang bati ko sa kanila.
Napatingin ako sa mommy niya nang tumayo siya at igiya kami paupo.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Genç KurguBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...
