CHAPTER 36

0 0 0
                                        

Nagsimula na ang paghahanda para mamaya. Busy ang mga kasambahay at tauhan nila. Ang loob ng malaki nilang sala ay okupado ng mga designer na nag-aayos sa venue ng party.

Ako naman ay nandito sa kwarto niya. Busy pa ang lahat dahil inaayusan din sila ng mga make-up artist na dumating kanina.

Ayoko na sanang magpamake-up pero pinilit ni Tita Brielle at ako mismo ang pinakaunang inayusan.

Kaunting eye-shadow at pakulot lang sa pilik mata ko ang ginawa at nilagyan ng kaunting foundation sa mukha. Isang red na lipstick naman ang nilagay sa labi ko.

Parang nagbago tuloy ang mukha ko dahil sa make-up na inapply. Ngayon ay sinusukat ko ang damit na pinahiram ni Tita Brielle. Hindi niya raw nagustuhan iyong dala kong dress kaya ay pinalitan niya.

Nakatingin ako sa salamin at tinitignan ang itsura habang suot ang dress. Katabi nito ay ang tuxedo ni John para mamaya. Wala siya rito dahil inaayusan din siya sa kabilang kwarto.

Umikot ako at tinignan ang likod ko, pero bumukas bigla ang pinto kaya hindi ko natuloy. Pumasok si John at napako ang tingin sa akin.

He look at me up and down. Tumaas ang kilay niya.

Mukhang tapos na siyang ayusan. Nanibago ako sa mukha niya dahil sinuklayan ang buhok niya. Hindi iyon magulo tulad ng normal niyang style. Nakasuot na rin siya ng puting pulo, itim na slack at leader shoes.

"Bagay ba sa 'kin." tanong ko at umikot sa harap niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pagkatapos.

"It suit's you. Ang ganda mo." tugon niya.

Ngumiti ako at lumapit pa sa kaniya. Tinignan ko ang buhok niya. Bagay naman sa kaniya ang style ng buhok niya ngayon, pero mas gusto ko 'yong magulo niyang buhok.

"Ang gwapo mo rin. Pero mas lalo kang gagwapo kung magulo ang buhok mo." sabi ko at hinawakan ang maayos niyang buhok.

Hindi niya naman iyon pinansin at pinanood lang akong maging abala sa pagpuri sa buhok niya.

"Do you want it ruined?" Tanong niya kaya napatigil ako sa ginagawa.

"Huh?" Taka kong tanong at hindi siya tinignan dahil busy pa rin ako sa buhok niya.

Dalawang kamay ko na ang abala sa buhok niya, at halos tumitingkayad na rin ako para maabot siya.

Napakurap ako at napatigil nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at dinala pababa. Inosente ko siyang tinignan.

"I'll let you ruin it, the way you want it." malalim ang boses na sabi niya at hinila ako palapit pa.

Nanlaki ang mata ko at gulat na napasinghap.

"Anong-"

"Right. Ruin it, while I'm kissing you." sabi niya at siniil ako sa labi.

Napakurap ako.

Nilagay niya ang mga kamay ko sa ulo niya at pagkatapos ay ipinulupot sa akin ang kaniya.

Kinagat niya ang labi ko kaya umawang iyon. Umakyat ang isang kamay niya at dinala iyon sa panga ko. He urge me to raise my chin up kaya ginawa ko.

Tinigil niya ang ginagawa nang walang tugon na nakuha mula sa akin.

Namumungay ang mata niyang tumingin sa akin.

"Kiss me back." utos niya at inangat ulit ang mukha ko.

Ngumuso ako dahil baka kumalat ang lipstick ko kung ipagpapatuloy niya 'to.

"Masisira ang lipstick ko." reklamo ko at kakawala na sana sa kaniya pero hindi niya ako pinakawalan.

"You don't need it. Your lips is still red without it." umiling ako.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now