Nagkatitigan kami pagkatapos niyang sabihin iyon. Naging tahimik kaming pareho. Kahit pati si lola ay hindi na rin umimik. Ibinaling niya na ang paningin sa tv habang may sariling mundo naman kaming dalawa.
Naputol ang titigan namin nang marinig ko ang boses ni mama. Mabilis akong napabaling sa pinto nang dumilim iyon at pumasok si mama. Hinanap ko si papa sa likod niya.
Mabilis akong tumayo at sinalubong siya.
"Nagmadali akong umuwi nong nalaman kong nandito ka." salubong niya sa akin pagkatapos akong yakapin.
"Ah, kararating lang po namin. Kasama ko po si John, Ma." sabi ko at nilingon si John na na sa likod ko na pala.
Nilahad niya ang kamay at nagmano kay mama. Sakto namang pumasok si papa kaya napatingin kami sa kaniya.
"Anak." tawag niya sa akin. Mabilis akong lumapit sa kaniya at nagmano.
"Pa, kasama ko po si John." sabi ko at tinuro si John na kaharap ni mama.
"Magandang tanghali po sa inyo." bati niya sa kanila.
"Hindi nasabi ng kuya mo na pupunta ka rito. At na, kasama siya." sabi ni papa at naglakad papasok.
Sinundan ko sila ng tingin. Si mama ay nilapitan si lola at binalingan kami.
"Kailan kayo dumating?" Tanong niya at naupo.
Pumunta naman si papa sa kusina kaya naiwan kami rito.
"Kagabi po kami dumating, ma. Pumunta kami rito kasi birthday ng mama niya. Dumalaw na lang din po ako rito." paliwanag ko at lumapit sa kaniya. Hinila ko si John at naupo kami ng sabay.
"Magkasama kayo? Anong meron?"
Nagkatinginan kami ni John bago ako sumagot.
"Ma, boyfriend ko. Boyfriend ko siya." sagot ko at ngumiti.
Nanatili ang tingin niya sa 'kin at pagkatapos ay nilipat kay John.
"Boyfriend?" Tanong niya at lumiwanag ang mukha.
Kumurap ako at pigil ang ngiting tinignan si mama. Kunyare pa 'tong seryoso. Gusto naman pala.
Umupo siya sa dulo ng sofa at itinuon ang buong pansin kay John. Malaki ang ngiti niya nang kausapin ito.
"Kailan? Kailan pa?" Excited niyang tanong sa kaniya.
Kumunot naman ang noo ko at binigyan siya ng weirdong tingin.
Nagulat ako dahil bigla siyang tumayo at lumipat sa tabi ni John. Kapagkuwa'y hinawakan ang kamay nito at malaki ang ngiting kinausap si John.
"Ikaw 'yong kasama ni Yam nong isang gabi after nong party niyo, diba? Nakwento rin ni Haiko ang tungkol sa'yo." sabi ni mama.
"Ako nga po. Sorry. I wasn't formally introduce to you before that." tugon ni John.
Pinagkrus ko ang mga braso at nakangiwing pinanood silang dalawa. Lumabas naman si papa sa kusina kaya napatingin ako sa kaniya.
Nagtataka niyang tinignan ang dalawa. Ngumuso ako at sinundan niya ng tingin na papalapit dito.
"Anong meron?" Tanong niya kay mama at tinabihan ito.
Nilingon siya ni mama habang hawak pa rin si John.
"Efren, ang anak mo, may boyfriend na." masayang balita niya kay papa.
"Talaga? Kung ganoon..." tinignan ako ni papa at si John. Nagpalipat-lipat iyon sa aming dalawa.
Pilit ko silang nginitian dahil parang naetsapwera ako pagkatapos nilang malaman na boyfriend ko si John.
YOU ARE READING
LOVE CURSE
Fiksi RemajaBeing inlove is the best feeling ever, though hindrance sometimes come, but because of determination lahat ay gagawin. Halyn Yam Blasco is a typical girl na lahat gagawin para lang mapansin ng kaniyang one and only love John Michael Vasquez. A snob...
