CHAPTER 27

0 0 0
                                        

Maaga akong gumising para mag-asikaso. May bisita akong dapat pakainin kaya maaga akong kumilos.

Hindi niya naman pinilit ang plano niyang dito matulog sa kwarto ko kagabi. Pumunta agad siya sa kwarto ni kuya tulad ng sabi niya.

Bumuhos din ang ulan bandang eight pm. Hindi pa rin nakakauwi si kuya. Wala rin akong text na natanggap galing sa kaniya.

Nagtimpla muna ako ng kape habang hinihintay na maluto ang kanin. Nakahanda na rin ang mga ingredients para sa ulam na lulutuin ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang hinahalo ang kape ko. Nakahawak ang kamay ko lababo habang tinitignan ang langit. Mukhang uulan na naman. Madilim kasi ang langit.

Napaigtad ako nang biglang tumunog ang pinto sa kwarto ni kuya. Nilingon ko 'yon at nakitang lumabas si John. Lumingon siya rito kaya nag tama ang mata namin.

"You're awake." aniya at lumapit dito.

"Good morning." bati niya at tumabi sa akin.

"Good morning." bati ko rin at ngumiti.

Kinuha ko ang kape ko at lumipat sa lamesa. Binaba ko roon ang mug at nilingon siya.

"Coffee?" Offer ko sa kaniya at lumapit sa cup board para kumuha ng mug para sa kaniya.

"Yes, thank you."

"Umupo ka muna. Magluluto pa ako ng ulam para sa agahan natin." utos ko at kinuha ang lalagyan ng kape at asukal.

"With sugar, babe?" Tanong ko nang 'di siya nililingon.

"No sugar."

Tumango ako at nilagyan ng creamer ang kape niya.

"Pakitignan 'yong kanin, babe. Mukhang luto na." utos ko sa kaniya at dinala sa lamesa ang kape niya.

Tumayo naman siya at nilapitan ang stove. Tumunog ang takip ng kaserola kasunod ng pagpatay ng stove.

"Luto na." anonsyo niya at bumalik sa pagkakaupo.

"Magluluto muna ako ng ulam natin."

Dinala ko sa gilid ng stove ang mga lulutuin ko. Sinalan ko sa kabilang side ng stove ang kawali at nagpainit ng mantika.

Tahimik namang nakaupo si John at pinapanood akong magluto. Nilingon ko siya at nakitang ang laki-laki ng ngiti sa labi.

Tinaasan ko siya ng kilay at umiling.

"Ang laki ng ngiti mo diyan?" Sabi ko at sinimulang lutuin ang tocino.

"I'm kind of thinking. This will be our everyday scenario once we get married." sabi niya kaya nakangiwi ko siyang nilingon ulit. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala siyang tinignan.

"Anong kasal? Hindi pa nga tayo gumagraduate ng college, kasal na agad ang iniisip mo." singhal ko sa kaniya at sinapo ang noo. Iiling-iling kong binalik sa niluluto ang paningin.

Tumawa siya at narinig ko ang yapak niya sa likod ko. Napaahon ako at patagilid siyang nilingon nang yakapin niya ako patalikod.

"Ano ka ba, nagluluto ako." reklamo ko dahil naantala ang pagbabaliktad ko ng tocino.

"We can get married and continue studying after." sabi niya kaya umawang ang labi ko.

"Ayoko 'no! Gusto ko munang magcollege bago ikasal." maagap kong sabi at hinintay na maluto ang kabilang side ng tocino bago iyon ilagay sa plato.

"Bumalik ka na nga roon. Kung ano-anong pinagsasabi mo diyan." sabi ko at hininaan ang apoy ng stove saka siya nilingon.

Dinuro ko ang balikat niya at dahan-dahan siyang tinulak.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now