CHAPTER 32

1 0 0
                                        

Pagdating namin sa amin ay sinalubong agad kami ng mga kamag-anak ko. Hindi pa man kami nakakarating sa bahay ni lola ay nastucked na kami kina Auntie Josephine.

"Yam, sino 'yan?" Usisa nila.

Hinawakan ko ang kamay ni John at ipinakilala siya sa kanila.

"Boyfriend ko po, auntie."

"Boyfriend mo? Walang nakukwento si amin ang mama mo na may boyfriend ka na pala."

Idinaan ko iyon sa tawa.

"Hindi rin po alam ni mama. Ngayon pa lang." sabi ko at pilit na tumawa.

May kasunod pa silang tanong na halos hindi ko na alam kung paano sagotin.

"Pupunta po kami kina lola. Nandoon po ba sila mama?" Tanong ko matapos naming makapag-usap.

"Ah, ang mama mo? Pumunta sila ng papa mo sa baranggay. May kukunin doon."

"Ganon po ba? Sige po. Pupunta po muna kami kay lola." paalam ko sa kanila.

"Halika. Sasama na kami." aya nila.

Tinignan ko si John at nginitian.

"Welcome sa amin." bulong ko sa kaniya at inangkla ang braso sa braso niya.

"I like it here." tugon niya at nginitian ang mga auntie at tita ko.

Ngumiti ako ng malaki at dinala na siya papasok sa loob ng bahay ni lola. Patay na ang lolo ko. Ilang taon na rin ang lumipas, kaya mag-isa na lang si lola rito. Pero dahil nandito naman sa malapit ang mga anak niya ay may kasama pa rin siya rito.

Nakita namin siyang nakaupo sa wheelchair habang nanonood ng tv. Dahil sa dami namin ay gulat siyang napatingin sa amin dahil sa ingay nila.

Nilapitan siya ni Auntie Josephine at hinawakan sa balikat.

"Ma, nandito si Yam. Ang apo mo. May kasama." balita ni auntie kay lola.

"Si Yam? Na saan? Wala rito si Helen."

Lumapit ako sa kaniya kasama si John. Ngumiti ako ng malaki kay lola pagkakita niya sa 'kin.

"Hi la." masayang bati ko sa kaniya. Masaya ako na makita siyang maayos na.

Nanlaki ang mata niya at tinawag ako.

"Yam!" Masaya siyang tawag sa akin. Ngumiti ako ng malaki at niyakap siya.

"Pasensiya na po kung hindi ako nakasama kina mama. Busy pa po kasi sa school." paliwanag ko at tumabi kay John. Sinulyapan ko siya bago ibinalik kay lola ang tingin.

"La? Boyfriend ko po. Galing Maynila." pakilala ko sa kaniya.

Pinanood ko ang reaksyon niya. Tulad ng mga auntie ko ay ganoon din ang reaksyon niya.

"Nobyo mo?"

Tumango ako.

"Opo. Siya po si John."

Lunapit naman si John sa kaniya at inilahad ang kamay para magmano.

"Magandang umaga po." sabi niya kay lola matapos magmano.

Tinignan ko ang mga kamag-anak ko na pinapanood kami.

'Buti na lang at hindi silang lahat ang nandito. Mapupuno ang bahay ni lola.

Bumalik sa tabi ko si John kaya napatingin ako kay lola.

"Maupo muna kayo. Ang mama mo ay umalis, kasama ang papa mo." sabi niya at inilahad ang mga upuan.

Ngumiti ako at hinila si John doon. Ang iilang mga pamangkin at maliliit kong pinsan ay lumabas ng bahay kaya kumunti na lang ang kasama namin.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now