CHAPTER 39

0 0 0
                                        

"Saan tayo pupunta? Hindi rito ang school!"

Nanlalaki at kunot ang noong sigaw ko habang tinitignan ang daang tinatahak namin.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Umalis kami pagkatapos ng usapan namin.

Everything I've planned, I expected, turned out to be like this!

Na sa hita ko ang isa niyang kamay habang nagmamaneho ang isa. At hindi ako mapakali dahil hindi sa school ang punta namin.

"John!" I hissed when he did not answer me.

Masama ang tinging nilingon ko siya. He's looking boredly on the road.

His caress on my thigh was smooth and soft, I got distracted. Huminahon ako at pinanood ang kamay niyang hinahaplos ang hita ko.

"Just wait and you'll see." tanging sabi niya at lumiko na naman kami sa ibang daan.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Kahit salubong ang kilay ay mahinahon ko nang tanong.

Tapos na talaga ang unang subject. At kahit ang second subject ay malapit na ring matapos. Maglalunch na maya-maya.

Hindi niya ako sinagot kaya napairap na lang ako. Napansin niya ata iyon dahil narinig ko siyang tumawa.

Patagilid ko siyang sinulyapan saglit at umirap. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext ang mga kaibigan ko. Baka kung ano ng namissed kong mga activities ngayon.

Nagseen ako sa gc namin at wala ni-isa akong nakitang message nila ngayong umaga. Ang tahimik ng gc namin. Kahapon pa 'yong huling chats nila.

Nagtipa ako ng message sa gc at sinend iyon. Matagal bago may nagreply.

Fate: Wala naman kaming ginagawa ngayon. Attendance lang tapos nagbigay ng pointer's ang mga st.

Napahinga ako ng maluwag sa reply niya. Mabuti naman. Akala ko may quiz para preparation sa exam ih.

Nagpop-up ang chat head ni Fate kaya hindi ko natuloy ang pagrereply. Hinintay ko ang chat niya.

Fate: Ba't 'di ka pumasok?

Sumulpot din si Maria.

Maria: Baka pinagod kagabi--I mean, napagod.

Napangiwi ako sa chat ni Maria. Sandali kong pinroseso ang ibig sabihin non. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kaya ni-angry react ko ang chat niya.

Ramil: Ay hala nagalit.

Vanessa: Pumasok ka na, Yam. Pasalubong namin.

Napasinghap ako at nanlaki ang mata dahil sa chat ni Vanessa.

Oo nga pala! Wala akong nabiling pasalubong sa kanila. Napapikit ako at napahawak sa noo. Umawang ang labi ko at mabilis na napatingin kay John.

Saglit niya akong sinulyapan nang mapansin ako. Kumunot ang noo niya.

"What's wrong?" Tanong niya at bigla ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang restaurant.

Anong ginagawa namin dito?

Sandaling kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit kami nandito. Tumingin ako sa restaurant at sa kaniya.

"Nakalimutan ko ang pasalubong para sa mga kaibigan ko." namomroblemang sagot ko at napakamot sa ulo.

Napatulala ako saglit bago umungol.

"Anong gagawin ko? Hindi ako nakabili kahapon kasi hindi na tayo nakadaan ng mall bago umuwi. Tapos may nangyari pa." pagtatantrums ko.

"Don't worry about it. Ako ng bahala." sabi niya at tumingin sa relo niya.

"It's almost lunch time. Let's eat there." dagdag niya at tinuro ang restaurant sa harap namin.

LOVE CURSE Where stories live. Discover now